Chapter 19 MAALIWALAS sa loob ng bahay ni Manang Esme. Ang pakilala niya sa amin ay malayong kamag-anak daw niya ang magulang ni Johann. Sa tingin ko, ay mag kasing edad lang sila ang Lola ko. “Mabuti at sumama kayo dito kay Johann. Naku, minsan ko lang kasi makita itong batang ito. Lalo pa at 'di ako madalas makaluwas ng Maynila.” Nakangiti at galak na galak n'yang sabi. Nasa hapag kainan kami at 'di na kami nakatanggi dahil sa talagang nakapagluto na siya ng marami katulong ang kanyang apong babae. Nakangiti akong nakatingin sa kanya. Hindi kasi ako makakain ng maayos dahil sa atensyong binibigay sa'kin ni Johann. Katabi ko siya sa hapag kainan at halos siya na ang sumandok sa pagkain ko. Kaunting kibot palagi niya akong tinatanong kung ano'ng gusto ko. I felt uncomfortable kasi feelin