Chapter 46 NAGISING ako sa mahimbing kong pagkakatulog nang makaramdam ako ng lamig. Nakayakap sa'kin ng mahigpit ang natutulog na si Johann. Ang higpit ng pulupot ng mga braso niya na para bang makakawala ako. I smiled. Me, next to him naked. Suddenly felt so natural and surreal at the same time. Ngunit kahit yakap niya ako ay giniginaw pa rin ako. Nakahubad pa ko. Nag-init bigla ang pisngi ko sa katotohanan na iyon. Well..we just had hot steamy making love last night. Pero bago pa kung ano ang maisip ko ay unti unti akong gumalaw para makawala sa kanya. Kukuha ako ng damit para maibsan ang pagkaginaw ko. Tiningnan ko muna ang natutulog na si Johann at saka ko marahan na inangat ang braso niya sa baywang ko. Ang bigat ng braso niya. Bago pa ako magtagumpay na makawala ay bumagsak muli