CHAPTER THIRTY-ONE

3185 Words

NATIGILAN si Eliza habang naglalakad papunta sa pump boat na siyang maghahatid sa mga turista pabalik sa bayan. Buong akala niya ay puno na iyon at siya na lang ang hinihintay pero wala siyang ibang nakikita kundi ang bangkero at dalawang assistant. Ibig sabihin ba ay siya lang mag-isa ang uuwi? Kung sabagay wala naman siyang dapat pagtakhan dahil konti lang ang mga turista at sinusulit pa ang pagpunta roon. Isa pa, hindi rin biro ang magpa-booking sa naturang isla. Alas tres na ng madaling araw nang makabalik siya sa hotel room pagkatapos nilang ma-i-rescue ni Corbin. Mabuti na lang at masigasig ang rescue unit ng hotel kaya hindi natagalan ang paghahanap sa kanila. Wala siyang tulog. Ni hindi man lang nakiidlip. Pinupunit ang puso niya sa isipin na pinapaubaya sa iba ang taong pinaka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD