LUMAYO si Eliza sa iba niyang kasamahan. Nakaupo siya sa ugat ng isang malaking puno. Kanina pa ang nanginginig ang katawan niya dahil buhat sa kinaroronan niya ay naririnig niya ang lagaslas ng tubig mula sa batis at daig pa niya ang t-in-torture. Naalala niya ang mapait na sinapit ng pamilya niya dahil sa kalupitan ng Mafia. Hindi niya makalimutan kung paano sila nagkahiwalay ni Emerie nang tumalon siya a falls. Hanggang ngayon ay taglay pa rin niya ang takot at trauma. Ayaw niya makakita ng batis, falls, ilog o kung ano pa man na makapagpaalala sa kanya sa nakaraan. Napagdesisyunan ng grupo na hindi na aakyat sa pinakatuktok ng bundok sapagkat madilim na ang paligid kahit lampas alas singko pa lang ng hapon. Nakabukas na nga mga dala nilang flash light pati na ang gasera na dala ng m