FIFTEEN YEARS LATER HINUBAD ni Eliza ang white coat, pati na rin ang suot na blusa nang makapasok siya sa kanyang kwarto. Naka-sideview siya kaya mula sa salamin ay tumambad sa paningin niya ang dragon tattoo na sumakop sa buong likod niya. Simbolo na siya ang bagong reyna ng Knives – sindikatong kinabibilangan niya. Paano nangyari iyon? Simple lang. Kinupkop siya at pinalaki nang mag-asawang sindikato na sumagip sa kanya nang mahulog siya sa falls. Maraming siyang kamag-anak pero hindi siya pumunta sa mga ito. Sa murang edad ay pinagana niya ang kanyang utak. Alam niya na magagamit niya ang mag-asawa para balikan ang mga taong pumatay sa kanyang pamilya. Sa madaling panahon na lang ay malalasap din niya ang balak na paghihiganti. Ayaw niyang magpadalos-dalos. Kailangan niyang maghintay