NAGTAGO si Eliza sa malaking haligi habang si Pauline ay pumasok sa loob ng opisina nito at nag-lock ng pinto. Pinakinggan niya ang tunog ng bawat hakbang. Tila normal lang na naglalakad ang mga ito animo’y mga walang takot. Alam niya na ganap nang nakaakyat si Emerie at ang lalaking kasama nito dahil halos katabi na niya ang nalilikhang kaluskos ng mga ito. Sumilip siya. Nakita niya na huminto ang mga ito sa harap ng opisina ni Pauline. Bumukas ang pinto sa isang buwelong pagsipa ng lalaki. Hindi tumambad si Pauline. Malamang nakapagtago sa loob. Hindi pa man nakakahakbang ang papasok sa opisina na iyon ay nagpaputok na siya. Asintado siya pagdating sa baril. Minsan lang siya magmintis ngunit sinadya niya na ang dingding ang patamaan dahil natatakot siya na magkamali. Paano kung si Eme