"Aalis na ako," paalam ko. Sinara ko na ang bintana ng aking sasakyan nang bigla itong magmura. "s**t!" "Bakit ba kasi nandiyan ang kamay ko," naiinis kong saway sa kaniya kahit pa nakita kong nakangiwi ito. Hinipan pa niya ang kaniyang daliri na namumula dahil sa pagkaipit. "May panibago ka na namang utang," sabi niya na kinairap ko. "Nananadya ka ba?" Hindi niya ako pinansin. Bagkus ay nilapit pa niya sa akin ang daliri niyang naipit. "Ano'ng gagawin ko diyan? Buti nga at hindi naputol e. Akala ko pa naman tigasin ka. Para 'yan lang, akala mo chics ka kung makangawa diyan." "What?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Hipan mo, para mawala ang sakit," utos niya sa akin. Ano siya bata? "Hinipan mo na, a." Matalas ko siyang tinignan. Sa sobrang kaartehan niya, hindi na ako m

