Ngayon ang unang araw na fertile ako ayon sa doctor na tumingin sa akin. Alas-kuwatro na ng hapon, nakabihis na ako at kanina pa nag-aabang kay Manang Myrna.
Kanina pa akong hindi mapakali. Nag-aabang ako ng tawag ni Manang.
"Nahihilo ako sa ginagawa mo, Iya. Maupo ka nga!" saway sa akin ng kapatid ko, kaya pumirmi ulit ako ng upo habang nakatitig sa celphone ni Lily.
"Ano ba'ng nangyayari sa'yo?" Hindi ako sumagot. Hindi ko pa puwedeng sabihin sa kaniya.
Saktong pagdating ni Lily kasabay din ng pagtawag ni Manang. Pinakita ko ito sa kaniya bago ako tumayo. Alam na niya ang ibig kong sabihin.
Nagmamadali akong lumabas at sinagot ang tawag. Sinabi niya na nasa labas siya ng ospital.
Pinuntahan ko siya sa mga benches kung saan siya naghihintay. Pinaupo niya ako sa kaniyang tabi bago niya inabot sa akin ang isang kulay itim na leather pouch.
Nanginginig ko itong inabot. Nakailang lunok ako at napapikit pa ako para pakalmahin ang aking sarili bago ko dahan-dahang binuksan.
Nakakalula. Hindi ko inakala ka kaya palang hawakan ng kamay ang ganitong kalaking pera.
"Bilangin mo," sabi niya. Hinaplos ko lang ito at pasimpleng tinignan kung wala bang nakasingit na papel o baka naman tag-bente lang pala ang iba dito.
"Hihintayin kita sa sasakyan," aniya bago ako iniwan. Alam niya na. magbabayad ako sa ospital para maihanda na ang operasyon ng aking kapatid.
Ilang minuto akong napatulala bago ako pumasok sa loob.
Niyakap ko si Amanda pagbalik ko sa ward. Umiyak ako.
"B-Bakit, Iya? A-Ano'ng nangyayari sa'yo?"
Umiling ako. "Gagaling ka na, Amanda. Maooperahan ka na." Tumawa ako habang patuloy sa pagbuhos ng aking mga luha dahil sa kasiyahan.
"T-Talaga?! Totoo ba o binibiro mo lang ako?!"
"Totoo. Babayaran ko na ang operasyon mo ngayon. Sandali lang, ha." Hinalikan ko siya sa kaniyang noo.
"Samahan mo ako, Lily," sabi ko sa aking kaibigan na tahimik na umiiyak sa tabi.
Hinanap namin ang doktor. Sinabi namin na may pera na ako para sa operasyon ni Amanda.
Nagbayad na din ako agad sa cashier. Sibabi niya na i-schedule ang operasyon niya ng madaling araw.
Sana makabalik na ako sa mga oras na iyon.
"Lakasan mo ang loob mo, okay? Magdasal ka..." bilin ko sa aking kapatid. Nagpaalam na din muna ako. Ang sabi ko'y magbebenta lang ako sa night market para may panggastos ulit kami. Hindi ko pa sinasagot ang tanong niya kung paano at saan ako kumuha ng pinambayad ko sa kaniyang operasyon.
Binilin ko na lang siya kay Lily. Iniwan ko din ang pera sa kaniya. Ayaw pa niya sana kaso ayaw ko naman itong dalhin.
Nag-text na din ako kay Manang. Sinabi ko na okay na, naasikaso ko na ang bills ng aking kapatid.
Sinundo niya ako sa labas ng ospital.
Dios ko, alam ko na kasalanan ang gagawin ko kaya ngayon pa lang po hinihingi ko na po ang iyong kapatawaran at pang-unawa. Salamat sa tulong mo sa aming magkapatid.
Alas-sais nang gabi ng bumiyahe kami. Hindi na ako nagtanong pa kay Manang kung saang lugar kami pupunta. Tahimik akong nagdasal.
Gusto ko sanang magtanong kay Manang pero naunahan ako ng kaba. Alam kong ako ang humiling na maging lihim ang pagkakakilanlan namin ng amo niya pero na-curious ako bigla.
Gusto kong malaman kung gaano ba kalaki ang katawan ng kaniyang amo. Kung haano katangkad. Kung malaki ba ang katawan at kung matanda na. Kung may asawa ba ito? Bakit kailangan niya ng anak?
Pinisil-pisil ko ang aking mga daliri at pilit inaalis ang mga agam-agam na tumatakbo sa aking isipan.
Ang mahalaga, mapapaopera ko na ang aking kapatid. Nasolusyonan na ang aking problema. Pumikit ako habang nasa biyahe.
Makalipas ang nasa tatlumpong minuto, huminto na ang sasakyan. Naunang bumaba si Manang. Sumunod naman ako sa kaniya. Pagbaba ko ay napatingala ako sa matayog na gusali na nasa aking harapan. Hindi ko nabasa ang pangalan na nasa pinakataas dahil nauna ng maglakad si Manang Myrna.
Dali-dali akong sumunod sa kaniya, papasok sa loob ng gusali. Sumakay kami ng elevator papunta sa pinaka-mataas na palapag.
Pagpasok namin sa bahay ay nagsimula ng kumalabog ang aking dibdib dahil sa kaba. Nahihirapan akong huminga kaya nakailang beses akong nag-inhale exhale.
Hindi ko na gaanong ginala pa ang aking paningin dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Nagsimula akong nakaramdam ng takot.
Umiling ako.
Hindi ito ang oras para mag isip pa ng mga negatibong bagay.
Relax lang, Iya, pagpapakalma ko sa aking sarili.
Pumasok si manang Myrna sa isang silid. Sumunod naman ako dito.
Isa itong malaking kwarto na may malaki ding kama. Kulay abo ang kulay ng bedsheet at mga punda ng unan. Ang dingding ay dark grey din na katerno ng malalaking kurtina.
Napalunok ako nang muling matuon ang aking mga mata sa malaking kama.
Napailing na lang ako ng kung ano-ano na naman ang pumasok sa isip ko.
Nagbukas ng drawer si Manang Myrna at kumuha doon ng towel. May kinuha din siya sa coffee table na paper bag at inabot sa akin.
"Maligo ka na at suotin mo iyan. Patayin mo ang ilaw pagkatapos mong magbihis," bilin ng matanda bago siya tumalikod at lumabas ng silid.
Pumasok na din ako ng banyo. Napakalaki ng banyo. Mas malaki pa ito kaysa sa bahay nina Lily. Ang yaman pala ng amo ni Manang Myrna. Hindi nakapagtataka na kayang-kaya niyang magbayad ng isang milyon sa akin.
Puno ang bath tub ng tubig at may mga nakalutang pang mga rose petals doon. Maaring hinanda na ito ni Manang Myrna bago pa niya ako sinundo kanina.
Naghubad ako ng damit at nilublob ang aking katwan sa bathtub. Nakaka-relax sa pakiramdam. Maligamgam ang tubig at tila'y nahaluan pa ito ng gatas at mabangong aroma.
"Hmmmmm..." sinimulan kong mag-hum. Nirerelax at pinapakalma ang aking katawan. Pilit isinantabi ang kaba na nararamdaman.
Ninanamnam ang sandali na puro pa ako. Nilinis ko ng mabuti ang aking katawan.
Pagkatapos maligo ay nag-apply ako ng lotion na nakita ko sa banyo, nag wisik din ako ng pabango.
Nag alinlangan pa akong isuot ang dress na binigay sa akin ng matanda. Hindi ako sanay na magsuot ng ganito. Sa pagkaka alam ko ay sinusuot lamang ang mga ganito sa mga porn movie na napanood namin ni Lily o 'yung mga model na nakalagay pa sa mga billboard sa edsa.
Lace ito na dress. Kita na ang lahat sa loob. May kasama itong panty na lace din. Walang bra. Ano pa ang silbi nito?
Nag-ipon ako ng hangin sa aking baga bago ako unti-unting bumuga.
Sino ba'ng mag-aakala na sa ganitong pangyayari sa aking buhay ay sa ganitong sitwasyon ko pa unang mararanasan ang bagay na hindi pa may sumagi sa aking isipan.
Kailanman hindi pa ako nagkanobyo o nagka-crush man lang.
Taoos heto ako, ibibigay ang sarili sa
isang estranghero.
Sabi nila, regalo daw ng babae ang kaniyang virginity sa lalake na ihaharap siya sa altar. May tatanggap pa kaya sa akin na lalake sa hinaharap?
"Di ako dapat mag isip ng negatibo."
Pinatay ko na ang ilaw at saka nahiga sa kama, napakalambot ng kama at ang lamig galing sa aircon ay nag bigay ulit sa akin ng kaba.
"Ganito ba talaga pag first time?"
Isang oras na yata ang lumipas pero hindi pa din dumadating ang lalaki. Ano'ng oras kaya siya pupunta? Pupunta pa kaya siya?
Pakiramdam ko ay napakabagal ng oras.
Para akong isa siyang kriminal na naghihintay ng kaniyang sintensya.
Isang pagkain ng mabangis na hayop sa masukal na kagubatan.
Isang oras pa ang lumipas nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Sumikdo ang t***k ng aking puso. Pinagpawisan ako ng malamig at kinilabutan.
Narinig ko ang paglapat pasara ng pintuan, sunod ay ang mga mabibigat na hakbang na palapit sa kinaroroonan ko.
Nanigas ako sa aking pagkakahiga, pati ang huminga ay halos kalimutan ko na.
Kakayanin ko ba? Bayad ka na, Iya! asik ng isipan ko.
Para to sa aking kapatid, kaya lahat kakayanin ko, pagpapalakas ko ng loob.
"Scared?" tanong ng baritonong boses ng lalaki. Halos tumalon ako sa gulat sa biglang pagsalita niya kahit na alam ko naman na nasa gilid na siya ng kama.
"A-a l-little," nauutal at halos walang boses kong sagot.
Mahina itong humalakhak. Bumalik tuloy sa aking alaala ang nangyari sa club. Naalala ko ang tawanan ng tatlong lalake.
Takot na takot ako nu'n sa malademonyong tawa na iyon pero sa tawa niya, iba ang nararamdaman ko. Para bang masarap ito sa tenga.
"Don't worry, babe. I'll take care of you," sagot niya sa banayad ngunit lalakeng-lalake na boses.
Sa dilim ng kwarto ay 'di ko maaninag ang mukha o itsura ng lalaki. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanghinayang.
Tama lang iyon, Iya, sabi ng kabilang isip ko. Para iyon sa ikabubuti ng lahat.
Sa dami ng iniisip ko, nagulat ako nang
maramdaman ko ang paglundo ng kama, senyales na tumabi na sa akin ang lalake.
May bahagi sa aking isip na gustong-gusto ko nang tumakbo at mag-back out.
Kaya mo 'to!
Inalala ko ang dahilan kung bakit ko nga ba gagawin ito.
Naramdaman ko ang katawan ng lalaki sa aking tabi. Dikit na dikit na ang balat niya sa akin, nanigas ako at halos 'di na gumalaw.
Naamoy ko ang panlalakeng pabango niya. Ang mabango nitong hininga ay nararamdaman ko sa kabilang tenga.
"Hmmm, you smells good," puri nito.
Ang kaniyang paghinga ay nagdulot ng kilabot sa aking kaibuturan. Lumunok ako.
Naramdaman ko ang magagaan na mga halik niya sa aking tenga, sa panga at sa aking pisngi.
At maya-maya pa'y naglapat ang aming mga labi, napapikit ako.
Ang first kiss ko.
Binigyan ako ng estranghero ng marahan na halik. Bahagyang hinaplos ang aking hita na nagpaigtad sa akin.
"Relax..." bulong niya bago niya ako hinaplos paakyat sa aking bewang.
Then slowly his lips move. Sinipsip niya ang pang-ibaba kong labi. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko. Hindi ko alam paano humalik dahil first time ko ito.
Naramdaman ko ang isang kamay niya na humahaplos na sa aking braso, ang isa naman na nasa aking bewang ay paakyat na sa aking dibdib, hanggang ang halik na marahan ay nagsimulang maging mapusok at mapaghanap.
"Hmmm," napaungol ako. Ang haplos at halik ng lalake ay nagdulot sa aking katawan ng ibat-ibang sensasyon.
Tinugunan ko ang mga halik na ginagawad niya. Ang lamig na kanina'y naramdama'y unti -unting napalitan ng init sa aking kaibuturan. Sa buo kong katawan.
"Open your mouth, babe," sabi nito.
Tila masunuring bata, binuka ko ang aking bibig. Dahan-dahan pinasok niya ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig. Hinuli nito ang aking dila, sinipsip, ginagalugad ang bawat parte ng aking bunganga.
Ang kaninang init na nararamdaman ko ay nagliyab. Awtomatikong sinabit ko ang dalawang kamay sa batok niya, habang tinutugunan ko ang bawat halik nito sa parehong paraan na ginagawa niya.
"Hmmmm," ungol nito sa gitna ng aming mga bibig. Kinilabutan ako sa reaksyon niya. May mga paru-paru sa aking tiyan na nagliliparan. Ang sabi nila nararamdaman lang ito kapag may crush ka. Ano ba to'ng nangyayari sa akin?
Mas naging malikot ang kamay niya, naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking dibdib.
"Mmmm," impit na ungol ko na gusto kong pigilan pero pilit kumawala.
Bawat halik at bawat haplos niya ay nagpatindi ng init na nararamdaman ko sa aking katawan. Wala naman siyang ginagawa sa aking p********e pero ramdam ko ang pamamasa nito.
Ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon.Hindi ko man kilala ang lalakeng kasama pero kakaiba kung mag-react ang aking katawan sa kaniya.
Para bang komportable na ako agad sa kaniya kahit pa hindi ko naman kita ang kaniyang mukha.