Binili ni Manang ang lahat ng mga nireseta sa akin. Dumiretso na din kami sa supermarket para mag-grocery. Pagkatapos namin dito ay didiretso na kami sa apartment na kinuha niya. Ilang cart din ang pinamili namin. Hindi ko inaasahan na condo pala ang kinuha niya. May dalawang kuwarto na may sariling banyo. May malawak na sala at malaking terasa. Maaliwalas din ang kaniyang kusina. Kumpleto sa gamit ang buong bahay. Sigurado akong magiging komportable kami ni Amanda dito. "Dadalawin kita dito paminsan-minsan. Huwag ka ding gaano nagkikilos sa mga gawaing bahay. May papapuntahin ako dito para maglinis at sa labahin niyo naman. May kukuha dito na laundry shop kada apat na araw." Sinabi din niya na kukuha siya ng tagaluto ng pagkain ko pero tinanggihan ko na. Hindi naman puwede na hind