Sophia’s POV Nang makarating kami sa Sanchez Haciendera ay kaniya-kaniyang tago at nakapalibot ang mga sasakyan namin sa buong lugar. Madilim at puno ng katahimikan ang paligid. “Miss Alviz. Wear this.” Iniabot saakin ni AL ang isang itim na tela kaya’t kaagad kong kinuha iyon nang ito mismo ay magsuot ng takip sa buong ulo. “We can’t be seen by anyone, let’s go.” Seryosong litanya nito nang abutin nito ang isang machine g*n na nakalagay sa may backseat saka na ito lumabas ng kotse. Maging ako ay sinuot na rin ang ibinigay nitong itim na takip sa buong ulo saka na lumabas ng kotse. “Diamond speaking. We’re about to engage the enemy.” Kapagkuwan ay narinig ko ang boses ni Zig sa may earpiece. Nakatingin lang ako kay AL na nakasulyap sa malawak ay madilim na Hacienda na