Sophia’s POV Biglang naghiyawan ang mga kalalakihan sa Arena nang mapatingin ako sa may malaking screen. Kalaunan ay saka naman lumabas sa magkabilang bahagi ang mga susunod na lalaban. Naka-flash sa screen ang mga ito kaya’t mas makikita mo ng maigi ang itsura nila. Tumaas ang dalawang kilay ko at mabilis na sumulyap kay Sav nang makita kong si AL ang naglalakad patungo sa pinakagitna ng arena. It’s really AL… and it’s my first time seeing him, topless. Nakapants ito pero wala itong suot pang-itaas. He has such a nice body. May abs pala ito e’ laging patay-gutom naman ang galawan. Hindi ko maiwasang mapangiti, AL looks so different. Diretso lang ang tingin ni Sav sa direksyon ni AL kaya naman tinuon ko nalang rin ang atensyon ko roon. Nang dumako naman ang tingin ko sa makakalaban nito

