Sophia’s POV Kinabukasan… “Hindi nakarating si AL kagabi?” Alalang tanong ko habang nag-aayos ako rito sa harapan ng vanity. Ang gusto ni Sav ay paayusan niya ako sa mga maid pero hindi ako komportable sa gano’n kaya naghingi nalang ako ng mga gamit pang-ayos at ang daming mga damit ang nasa harapan ko ngayon. Ang sabi ni Sav ay ngayon ang unang araw ng Cold Summit. Hindi pa ball ang aatendan naminn, at ang sabi niya ay manonood lang kami ng pawang labanan. Hindi masyadong maintindihan pero gusto ko parin sumama. Gusto kong makita kung anong itsura ng Cold Summit o kung paano ito ginagawa. “He did. He’s already here.” Natigilan ako at mabilis na nilingon si Sav sa sinabi niyang iyon. Abala ito sa pagsuot long-sleeve. Gulat na tiningnan ko ito. “Seryoso? So… were you able to contact

