Two days later… Sophia’s POV Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang isang putting kisame ang bumungad saaking paningin. Napatulala lang ako roon habang sinusubukang hagilapin ang reyalidad sa isipan ko. Saka naman sunod-sunod na bumalik sa isipang ko ang tila isang bangungot na nangyari bago ako mawalan ng malay. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko nagawa nang may bumalatay na sakit sa kalahaitng bahagi ng katawan ko. I gasped in horror upon remembering about my child. Napahaplos ako sa tsan ko. “Miss Alviz?” Mabilis akong napalingon sa nagsalita. “V…” Sambit ko sa pangalan nito nang mabilis itong lumapit saakin, pero malungkot lang itong nakatingin. “What happened?! Where is Sav?! What about my child?! How’s my child?! Si C-Clover… V…” Mabilis na sunod-sunod na tan

