TILA BOMBANG sumabog sa tenga ni Ada ang mga salitang iyon ni Rozen.
“Ada.”
“Ah…”
“I know this may sound so sudden. Pero dapat ay noon ko pa ito sinabi sa iyo.”
“Roz…”
“Iniisip ko lang naman na nagkakapatong-patong na ang problemang kaharap ko sa ngayon. Kaya inisa-isa ko na muna. At since naunang dumating sa akin ang problema ko sa Sta. Barbara, iyon na muna ang inuna ko. Ang sabi ko sa sarili ko, pagharap ko uli sa iyo, gusto kong tahimik na ang ilang parte ng buhay ko. Para mabigyan kita ng kasiguruhang magiging tahimik din ang buhay mo sa piling ko.” Kumunot ang noo nito nang sulyapan ang hawak na cellphone. “But those twins sent me this picture of you, three. With them kissing you!”
“Ipinadala nila sa iyo? Pero ang sabi nila, burahin ko nga raw ang picture na iyon sa cellphone ko dahil baka magselos ka kaya binura ko agad. Hindi ko akalaing…” Napahawak na lang siya sa kanyang noo. “I can’t believe those two!”
“Let’s deal with them later.”
“Roz—“
“Hayaan mo na muna akong magsalita sa ngayon, Ada. I think sa ating dalawa, ako ang maraming dapat sabihin.” Tumunog ang cellphone nito. “Continue with the meeting even without me. kaya na ninyo iyan. I have more important things to deal right now. Don’t call me. I’ll call you.”
“You walked out of a meeting?”
“You go, man,” singit ni Nova na nasa tabi lang at nakikinig sa kanila.
“Rozen, bakit mo nilayasan ang meeting mo? Importante iyon, hindi ba? Para iyon sa kaunlaran ng Sta. Barbara.”
“Sta. Barbara will have to understand…” lumapit sa kanya nang husto ang binata. “That I wouldn’t be able to fix her if can’t get the woman I love.”
Napasinghap na lang siya. “Pero…mahirap lang ako.”
“Kailan naman naging isyu sa atin ang estado natin sa buhay?”
“Noong—“
“I know. Katangahan ko iyon dahil nang sabihin ko iyon, napakalapit nang mukha mo sa akin. Hindi ako makapag-isip nang diretso kaya kung ano-ano na lang ang nasabi ko sa iyo nang araw na iyon bago tayo tumulak papuntang Sta. Barbara. Ewan ko rin kung ano ang nangyari sa akin nang araw na iyon. Basta ang alam ko, nagn magmulat ako ng mga mata ay ikaw na agad ang nakita ko. And even without opening my eyes, your voice kept my senses alive.”
“Oh, no! narinig mo ang mga pinagsasasabi ko sa iyo doon sa Clinic?” Tumango ito. “Lahat?”
“That’s why I got curious of you. Sa dami ng papuring sinabi mo sa akin nang araw na iyon, it was enough to make me get up and jumped out of bed. Magaling na magaling na ang pakiramdam. Idagdag pa na sa pagmulat ko ng mga mata ko, naroon ka at natutulog naman sa tabi ko. Iyon ang unagn pagkakataon na may isang taong hindi ko kilala na nanatili sa tabi ko kahit hind naman niya talaga ako lubos na kilala.”
Idinampi niya ang kanyang palad sa pisngi niya. “Actually, inaantok lang talaga ako nun kaya ako naki-share sa kama mo.”
“And I’m glad you did.”
Binalikan niya ang araw na una silang nagkaharap talaga ni Rozen. Wala siyang makitang romantic sa lahat ng iyon. She even drooled and he said so himself, right? Nakakahiya ang mga panangyaring iyon sa buhay niya. Mas gusto nga niyagn kalimutan na lang ang araw na iyon. Pero iba pala ang naging dating niyon kay Rozen.
Para rito, iyon ang pinakamagandang araw sa buong buhay nito. Hindi niya maiwasang maging mushy sa kaalamang iyon.
“That’s also the reason why I didn’t argue with Reid when he suggested that you’d look over my health. Becaue I wanted you to be with me. I wanted you to know the real me. Alam ko naman kasi kung ano ang reputasyon ko sa buong Stallion Riding Club. Kaya naisip kong iyon ang magandang opportunity para makilala mo ako nang husto.”
“Oo.” Tumango-tango pa siya. “You were not that bad. Inaamin kong noong una ay gaya rin ng iba ang naging tingin ko sa iyo. Pero nang makilala kita ng husto, parang gusto na kitang ipagpatayo ng groto. You’re the most honest, sincere and kindest man I’ve ever met.”
Sumilay ang isang magandang ngiti sa mga labi nito. “Really?”
“Oo. You never gave up on Sta. Barbara because you cared for you people. Isinalang mo pa ang reputasyon mo para lang masigurong magkakaroon ng tuloy-tuloy na daloy ng investor ang bayan ninyo. Rozen, iyon na ang pinakamagandang magagawa ng isang tao para sa kanyang kapwa.”
“And I’m so glad you understand.”
“Binabawi ko na ngayon ang sinabi kong dapat ay nakuntento na lang ako sa paghanga sa mga katulad ninyo. Magulo man ang kinalabasan ng bawat pagkikita natin, ng kuwento natin, hindi ko pa rin ipagpapalit ang lahat ng naranasan kong kaguluhang iyon sa pinakatahimik na at matiwasay na pamumuhay sa mundo.”
Tumango-tango lang ito. He had a satisfied look on his face now. “I’m sorry if I’d hurt you during this whole…scene. You know I didn’t mean to.”
“I know.”
“Pero…totoong ginusto lang kitang makasama dahil may silbi ka sa akin.”
“Ha?”
Natawa lang ito sa reaksyon niya. “You make my life complete. Iyon ang silbi mo sa akin. Nang mawala ka sa bahay, parang lagi na akong may hinahanap. Gusto kong puntahan ka, kausapin, para pabalikin sa bahay. Pero ano naman ang magiging dahilan ko kung sakaling tanungin mo ako? it was all going through my head even in the middle of my meeting with all these people. Maraming taong nakapaligid sa akin. Pero iisang mukha lang ang talagang gusto kong makita. Kaya nang ipadala sa akin ng kambal ang picture ninyo, kumaripas na ako ng takbo rito. Ayokong mawala ka sa akin, Ada. Ayokong bumalik sa dati kong buhay kung saan wala akong ibang inaatupag kundi ang negosyo at ang political career ko. I don’t want to turn into a cold person everyone knew. Because in all my life as a strong person, I always long for the time when I could have someone who will hold me tenderly and would made me feel fine even when I’m weak. Please be with me. I need you, Ada. I need you because I love you.”
And it was more than the confession she could ever imagined. “Ayokong umiyak.”
“Huwag kang umiyak…” Lumipat ito sa kabilang panig ng reception table.
“Sandali lang,” pigil niya rito nang magtangka itong lumapit pa. “Just give me a moment to clear my head.”
“Okay.”
One, two, three. She looked at the man standing in front of her now, looking at her like she was the only woman in the world. Like she was the only person in the world for him.
“I love you, Rozen. I love you because even when you’re strong, you still came to me and tell me that you need me.” He nodded. “Thank you for making me feel better after that scene in Torrance party. Thank you for dancing with me and for creating music for me.”
“You’re welcome.”
“And I don’t mind if I don’t get enough rewards points for Christmas. Hindi ko na kailangang maghintay ng Pasko bago makuha ang pinakamagandang regalo para sa akin. Dahil nandito ka na, Rozen. You’re all I ever needed. I love you. And I’m more than happy to be with you.”
“Finally. I thought you’re never gonna said it.”
He gathered her in his arms as she accepted everything about him. Naramdaman pa niya ang paghinga nito ng malalim na tila ba kanina pa iyon pinipigilan. Pati na ang malakas ng pagtibok ng puso nito ay damang-dama niya. Kung ganon, hindi lang pala siya ang nakakaranas ng mga kabaliwang nararamdaman niya noon sa tuwing nasa malapit lang ito.
Ang pag-ibig nga naman, nakakalukring talaga!
“You know,” boses iyon ni Nova. “Kahit maganda ang kinalabasan ng love story ninyong dalawa sa tulong ng panggulong kambal na iyon, hindi pa rin sila ligtas sa atraso nila sa akin.”
“Who was that scary woman?” tanong ni Rozen.
“Nova. I think she’s Jigger’s ex-girlfriend.”
“Anong ginagawa niya rito?”
“From what I’ve heard, mukhang balak niyang gumanti sa dalawang iyon.”
“Really? Let’s go talk to her.”
“Mamaya na. May isang bagay pa tayong hindi nalilinawan dito.”
“Meron pa?”
“You asked me to marry you. Pero hindi ko pa iyon nasasagot.”
He smiled lovingly before turning his full attention to her again. Inilapit nito ang mukha sa kanya saka muli siyang tinanong.
“Will you marry me…” Their lips were only a breath away from each other. “Ada Dalipe?”
“Convince me first why I should accept your proposal.”
“With pleasure, Miss.”
Nang maglapat ang kanilang mga labi sa ikalawang pagkakataon, kinalimutan na rin niya ang nauna nilang planong sundan si Nova. For now and for always, sila na lang dalawa ang magiging bida sa sarili nilang kuwento.
THE END