Thirty-one Tahimik kami sa table. Sina Daddy at Mrs. Monte del Fuego lang ang nag-uusap nang mag-ring ang phone ng ginang. "Angelo? Umalis na si George." Bungad nito sa kausap. Kasunod noon ay ang malakas na 'what?' sabay tayo. "Are you okay?" tanong ni Daddy. "Oh my gosh, si George raw na aksidente." Sabay pa kaming napatayo ni Mommy. Halata namang nagpa-panic si Mrs. Monte del Fuego. Ganoon din si Mommy kahit pa pilit nitong itago ang emosyon nito. "Samahan ka na namin." Prinsinta ni Daddy. Hinihintay kong kumilos si Landon pero naka alis na ang mga ito pero nanatili pa rin sa tabi ko ang lalaki. "I guess next time na lang." Ani ni Kuya L.A. nagkamay naman si Kuya at si Landon. Gano'n din ang iba ko pang Kuya. Tinapik ni Kuya Lei ang balikat ni Landon. "Ikaw na ang bah