Twenty-eight Maling masanay sa presensya ng isang tao. Pero hinayaan ko na naman ang sarili ko. Nakikita ko kasi ang effort nito na maglaan ng oras sa akin. To the point na sa ilang araw kong pananatili rito sa condo n'ya ay halos dito na n'ya tapusin ang trabaho n'ya. Minsan lalabas ito kapag may mahahalagang trabaho ito sa labas. Babalik kapag tapos na. Ilang araw rin na walang panic attack and anxiety sa akin. Payapa ang utak ko sa stress. Pero mabilis lang din pa lang babalik iyon. Nag-ring ang phone ni Landon. Akmang gagapang na sana ito patungo sa akin. Istorbo. Pero mabilis pa sa alas kwarto na bumaba ito nang kama at nilapitan ang phone nito. Plano pa naman naming subukan 'yong posas na nakita ko sa cabinet nito. Usapan na namin iyon, eh. "Hello? Nasaan ka?" nasa boses nit