Thirty-four "Pwede bang ako naman ang pakinggan mo? Bago mo hilinging mawala ako sa buhay mo?" natigilan ako nang makita ko ang pag-agos ng luha sa mata ng fiance ko. Parang mas lalo akong nasasaktan sa nakikita ko rito ngayon. "Hindi pa ako tapos, Landon." Malungkot ang naging ngiti ko rito. Gusto ko isang bagsakan na ito."Alam mo ba kung bakit severe ang panic attack ko? Alam mo ba kung bakit makakita lang ako ng sanggol ay natri-trigger ang emotion ko? Dahil na buntis mo ako, Landon." Shock ang lumarawan ngayon sa mukha nito. Sabay tingin sa akin at sa t'yan ko."Pero, p-ero, sapilitang tinanggal ng tatay mo ang anak natin." Sobrang hirap sabihin no'n kay Landon. Pero proud ako sa sarili ko na nagawa ko. Biglang tumayo si Landon. Nasa mukha nito ang galit. Napasinghap ako nang sunod-s