Thirty-eight "Anong nangyari sa 'yo? Bakit pawis na pawis ka?" tanong ni Sera sa akin pagkababang-pagkababa ko ng hagdan. Sa totoo lang hindi naman talaga pawis 'yon. Nagwisik-wisik lang ako kanina para makatotohanan. "Sobrang sakit ng t'yan ko." Ani ko rito. Agad na lumapit si Lauro sa akin. "Bakit? Anong nangyari?" tarantang tanong nito. "Manganganak ka na ba? Ha?" "Para na akong mamamatay sa labis na sakit." Iyon ang itinuro ni Islah sa akin noong bumisita sila rito. Bago pa mag-due date ko, kailangan umarte na ako. Baka sakaling dalhin agad ako sa hospital ng mga ito. "What? Manganganak ka na?" tarantang tanong ni Sera sa akin. Of course, alam ni Sera na gawa-gawa lang ng illuminati ang drama ko ngayon. Pero mabilis naman nitong na-gets kaya naman hinaplos-haplos nito ang t'y