"Magandang umaga, Ate Rein!" masayang tinig ng mga bata ang bumungad sa akin pagpasok ko nang tarangkahan ng maliit na nayon kung saan nakahilera ang mga bata at kumakaway sa akin. Nasa 20 na kabataan ang naroon. Halatang excited sa pagdating namin ni Landon. May tatlo kaming kasama na kasambahay. Sila rin 'yong kasama ko kagabing nag-repack ng mga gift sa mga bata. Nasa taniman ang mga tatay ng mga bata. Habang ang mga nanay ay nandito sa nayon at silang nag-aalaga sa tahanan at kanilang mga anak. "Magandang umaga rin." Kumaway pa ako sa mga ito. Nakabantay lang si Landon sa likod ko habang abala ako sa pagbati sa mga bata. Baka raw kasi masagi ang sugat ko. Naghihilom naman na iyon, eh. "Bibigyan mo raw po kami ng papel at lapis?" excited na tanong ng isang bata. "Oo, hindi lang