NANG makapagluto ay binigyan ni Iza ng pagkain ang bodyguards nila na nakatambay sa labas. May bench doon pero nakatayo lang ang mga ito. “Maupo nga kayo. Heto, kumain na muna kayo nang may lakas kayo kakatayo,” aniya. Inilapag niya sa bench ang dalawang plato na puno ng pagkain. May kanin din iyon. “Kapag kulang pa sabihin n’yo lang, ah?” “Hindi na dapat kayo nag-abala, ma’am. Baka magalit si sir. May budget naman po kami para sa pagkain,” ani ni Victor. “Huwag kayong mag-alala, nagpaalam ako kay Argius. Kumain na kayo at puwede kayong umupo.” Malapad siyang ngumiti. “Maraming salamat po, ma’am,” sabi naman ni Lindon, na bodyguard ni Argius. Mas malaki ang katawan nito kaysa kay Victor pero mas may edad lang tingnan. “Walang anuman. Sige na, maiwan ko na kayo. Iwan n’yo lang din ang