KINABUKASAN pagdating sa Pilipinas ay nagprotesta si Iza nang hindi siya pinahintulutan ng mga bodyguard na lumabas ng mansiyon. Gustong-gusto na niyang makita ang pamilya niya. Nainis siya nang sabihin ni Nanny Rossie na hindi siya maaring lumabas ng mansiyon hanggat hindi dumarating si Argius. Wala sa kanya ang cellphone niya. Malamang kinuha na naman ni Argius. Paano ngayon siya magtitiwala sa kanyang asawa? Ikinukulong siya nito na parang batang walang muang. Hindi man lang ito nagpapaliwanag nang maayos bakit kailangan nito iyong gawin sa kanya. Hanggang kailan siya maghihintay? Kailan ito darating? Wala siyang ganang kumain nang gabing iyon. Sinabayan pa siya ni nanny Rossie kumain para lang hindi siya mainip. “Why he need to do this to me, Nanny?”” malumanay niyang tanong sa ale