TATLONG araw lang sa mansiyon ni Argius si Iza. Madalas siya nitong ipasyal at isama sa mga meeting. Napagkasunduan na rin nila na next month ay sasama siya rito sa Italy. Pero bago siya aalis ng bansa ay inasikaso niya ang naiwang trabaho sa Orchedia. Tiniyak din niya na may gagastusing pera ang papa niya sa farm nila. At bago naman sila aalis ay magbabakasyon muna sila ng isang linggo sa Lipa para makilala naman ng mga kaanak niya si Argius. Madalas din iyong inuungot sa kanya ni Argius. Gusto talaga nitong makatikim ng palaka. Biyernes ng tanghali pagkatapos ng lunch ay gumala sila ni Argius sa jewelry shop. Bibili siya ng relago para sa birthday ni Lori sa susunod na linggo. Nasa estante siya ng mga kuwintas nang maalala niya ang pendant na binigay sa kanya ni Aleng Magda. Naghanap n