PAGBALIK ni Argius sa suite nila ni Iza ay nadatnan niyang natutulog na ang dalaga na wala sa ayos ang higa sa kama. Nakasuot pa ito ng sandals. Mayumi siyang humakbang palapit sa paanan nito at maingat na hinubad ang sandals nito. Binuhat niya ito at inilipat sa kaliwang bahagi ng kama. Naghubad na rin siya ng sapatos at lahat ng saplot niya sa katawan. Naligo muna siya pagkatapos ay tinabihan niya sa kama ang dalaga. He can't help but kiss her rosy soft lips. She was gorgeously sleeping solemnly. Napakaganda nito lalo na kapag titigan niya nang mas malapitan. Ang payapa ng tulog nito at ayaw niya itong maabala. He just gently caresses her soft check while planting a hot kisses on her forehead. Itinukod pa niya ang kanyang siko sa kama habang nakahilig ang ulo niya sa kamay. Tagilid siy