Kabanata 11

1084 Words

Papasok pa lamang si Olivia sa kwaro nilang mga katulong sa mansyon ay narinig niya ang bulongan nina Wena at Beatrice, mga kapwa katulong din. Si Beatrice ay hindi gaano nalalagi sa mansyon dahil sa kabilang bahay ito naka-assign. Katulad ni Wena ay medyo ayaw din sa kanya ng babae, kaya siguro mas nakakasundo nito si Wena kaysa sa kanya. Inilapit ni Olivia ang tainga sa pinto para mas mapakinggan ang mga sinasabi nito. “Talaga? As in hindi talaga tumitigas?” Bakas sa boses ni Beatrice ang pagkabigla, tila ayaw nitong maniwala. “Oo nga! Iyon ang narinig ko sa usapan nila,” sagot ni Wena. Napakahina ng boses nito, tila takot na may makarinig sa usapan nila. “E, paano mo nalaman? Saan mo narinig? Grabe naman kung totoo talaga iyan, baka naman nagbibiro lang siya.” Napakunot ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD