Chapter 9: Magkapatid, Magkaribal

1776 Words
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang kapatid nilang si Tyrone kasama ang kasintahan nitong si Getchen. "Let's eat dahil babalik pa ako sa opisina, may meeting ako," turan ni Tyrese na noon ay nagpauna na sa paglakad. Sumunod naman silang lahat sa komedor kung saan nakahanda ang family lunch nila. "Hello," nakangiting bati ni Gretchen sa kanya na tinugon naman niya ng matamis na ngiti. "Hi," aniya saka sumunod sa mga ito. Sa komedor ay tahimik sila, hindi tuloy maiwasan ni Tyreen ang magkomento. "Bakit ang tahimik naman yata?" ani Tyreen. "Ganito talaga kapag nakain, mamaya na ang usap," seryosong sagot ni Kuya Tyrese niya. Nagkibit-balikat na lamang si Tyreen at nanahimik na hanggang sa maya-maya ay tumigil na rin ang mga kalansing ng kubyertos katunayang tapos nang kumain ang mga kasama. "Bueno, sabi mo ay may sasabihin ka? Simulan mo na at mukhang nagmamadali itong kuya mo," turan ng kanilang ama. Nahalata ni Tyreen na hindi mapakali ang Kuya Tyrone niya at halatang seryoso ang sasabihin nito. "Ano na?" giit ni Tyrese na tila nawawalan ng pasensiya. "We're going to expedite the wedding," gagad ni Gretchen na siya nang nagsalita. "Okay, as we expected? Why, are you pregnant?" sarkastikong saad ni Tyrese. "No!" mabilis na sabad ni Tyrone sa kanyang kuya. "Why the hurry then?" seryosong maang ni Tyrese. "Because of you!" matigas na tinig ni Tyrone. Napamaang si Tyreen dahil sa sinabi ng kapatid na si Tyrone. "What?" gilalas naman ni Tyrese pero batid at ramdam na ni Tyreen ang tila namamagitan sa tatlo. "Tyrone, be calm, we talk about this, right?" pagkakalma ni Gretchen kay Tyrone. "We're not in hurry, we planned for this, aagahan lang natin. We don't want to used our wedding to any political agenda," anang ni Gretchen na kinatayo ni Tyrese. "Do what you want to do at huwag ninyo akong idadamay," ani Tyrese saka ito umalis. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng kanilang ama. "Enlightened me, what's happening?" usisa ng kanilang ama na mukhang ngayon lang din nag-uusisa kung bakit ganoon ang inaasal ng kanilang Kuya Tyrese. "Una pong nanligaw si Tyrese sa 'kin, tito, I turned down kasi si Tyrone ang gusto ko that happens na may kasintahan noon," paliwanag ni Gretchen na kinatango-tango ng matandang Escodero. "What's your plan?" untag pa ng kanilang ama. "We're having a simple yet private na kasal, tito, next month. Baka kasi maging abala na kayo for the upcoming election kung patatagalin pa namin," tugon ni Gretchen. Napabuntong-hininga si Mauricio, hindi niya inaasahan na masisira ang malapit na magkapatid dahil lamang sa babae. Masyado siyang naging abala sa negosyo nila kaya hindi nabantayan ang mga love life ng mga ito, akala niya ay may konting iringan lamang ang mga ito, 'yon pala ay dahil sa babae at magiging parte pa ng pamilya nila. "Kayo kung 'yan ang plano ninyo, sana lang ay hindi lumalim ang hidwaan ng magkapatid dahil sa 'yo," parunggit ni Maurico kay Gretchen na kinatigil nito. Akmang tatayo na ang matandang Escodero nang pigilan ito ng babae. "Pasensiya na po, tito pero sinunod ko lang po ang sinasabi ng puso ko. Kaysa naman sagutin ko si Tyrese pero ang puso ko ay nasa kapatid pala niya, para ko na ring niloko ang sarili ko," habol ni Gretchen. Binalingan lang ni Ginoong Mauricio ang babae saka iniwan. "Babe, hayaan mo muna si papa, masyado lang siguro siyang na-shock sa nalaman," saad ni Tyrone sa kasintahan. Maya-maya ay nabaling ang tingin ng magkasintahan sa kanya. "I'm fine, congratulations sa inyong dalawa," aniya na may genuine na ngiti sa labi. "Thank you, Tyreen, pasensiya ka na kung nagkaroon pa ng misunderstanding sa pamilya ninyo dahil sa 'kin," ani Gretchen. "Don't worry, lilipas din 'yan, makakahanap rin si Kuya Tyrese ng babaeng para sa kanya," aniya kay Gretchen upang hindi naman ito ma-guilty. "Sana nga, Tyreen kasi mabigat sa dibdib na may tao kaming nasaktan," ani Gretchen. "Ang importante sa ngayon ay mahal ninyo ni Kuya Tyrone ang isa't isa," anang pa ni Tyreen na kinangiti ni Gretchen. Pagkatapos ng family lunch nila ay nagtungo na si Tyreen sa silid upang doon ay magpahinga nang mapadaan sa silid ng kanyang ama at hindi maiwasang maulinigan ang tinig nito buhay sa loob ng silid nito. "Aasahan ko ang suporta mo kumpanyero, hindi na mapipigil pa ang salpukan ng Caballero ay Escodero sa susunod na hahalaan at hindi ako makakapayag na matalo ang anak ko sa anak ni Patricio," matigas na tinig ng ama sa kausap nito. Hindi tuloy maiwasang mapasilid si Tyreen sa uwang ng pinto ng ama. "Of course, hindi ko makakalimutan ang dahilan kung bakit nawala sa 'kin si Elena," hirit na tinig ng ama. Natutop ni Tyreen ang dibdib nang mabanggit ng ama ang pangalan ng nawalang ina. "Hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pag-ipot sa aking ulo," hirit pa ng ama na may inis sa kanyang tinig. Lalong bumilis ang sasal sa dibdib ni Tyreen. Aalis na sana siya bago pa siya mapansin ng ama pero masyado siyang naku-curious sa kung ano ang sinasabi ng kausap ng ama. "Patay na siya at hindi na niya ako magagawang lokohin pa sa kaaway ko pa talaga!" giit pa ng ama. Maya-maya ay tila nakiramdam ito kaya bahagyang lumingon sa gawi niya, mainam na lamang at agad na nakakubli si Tyreen at mabilis na nagtungo sa kanyang silid. Saktong naisara na niya ang pinto nang maulinigang isinara ng ama ang kanyang pinto. "Papa," usal ni Tyreen sa kawalan. Bakit pakiramdam niya ay may kinalaman ang ama sa pagpapakamatay ng kanyang ina. Gulong-gulo ang damdamin ni Tyreen sa kanyang narinig, lalo tuloy umigting ang pagnanasang malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang ina. *** Samantala, hindi mawala sa isipan ni Perry ang tungkol sa bago nilang kasambahay. "Sh*t!" bulalas sa kawalan. "Bro, no cursing please, baka marinig ka ng mga anak ko," sita ng kaibigang si Randy na narinig pala ang kanyang pagmumura. "Sorry, bro, hindi lang mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina," turan sa kaibigan. Birthday kasi ng anak nito na kanyang inaanak kaya nagtungo siya roon. "Ang alin? Iyong bago niyong kasambahay?" anang ni Randy dahil kanina pa kasi niya nakukuwento ang hinggil sa bago nilang kasambahay na si Marga. Tumango-tango si Perry. "Don't tell me may balak ka na namang patulan. For God seek, bro, maawa ka baka may mawalan na naman ng trabaho dahil sa kalandian mo," natatawang bulalas ni Randy. Napapailing-iling si Perry. "Alam mo bang ang kasintahan ng bago naming katulong ay isang Escodero?" bulalas ni Perry na kinatigil ni Randy. "W-What? Escodero? You mean, Tyrone?" maang ni Randy. "Nope, Tyrese," pagtatama ni Perry. "Yeah, I see, kasi ikakasal na pala si Tyrone kay Gretchen Chua," anang ni Randy. "What?!" palatak ni Perry sa narinig. He heard the name of the girl na minsan. "Gretchen Chua?" maang na ulit sa pangalang binigay ng kaibigan. "Yes, bro, you knew her, right?" anang ni Randy. "Hindi ba't siya ang anak ng may-ari ng malaking rice trading sa bayan?" maang ni Perry. He meet the girl nang minsang sumama siya kay Mang Enrico upang i-deal ang kanilang mga ani noong isang taon.She's pretty, masyado lang mailap dahil isa palang Escodero ang napupusuhan nito. "So, ibig mong sabihin, ang kasambahay ninyong si Marga ay kasintahan ni Tyrese Escodero?" untag ni Randy sa kanya na nagpabalik sa kanyang isipan. "Yes," sagot ni Perry Natahimik si Randy at napaisip. "So, what d you think bakit siya pumasok na kasambahay sa inyo? Imposibleng hindi niya alam ang hinggil sa matagal na hidwaan ng mga Caballero at Escodero?" maang na wika ni Randy. "Iyan nga rin ang agad na pumasok sa isipan ko, hindi kaya ginagamit siya ni Tyrese upang malaman ang bawat galaw namin lalo na at kami ang mahigpit na magkakatunggali sa susunod na eleksyon," sapantaha ni Perry. "O, well, hindi pa natin alam kung tama ba ang mga haka-haka natin. Sasabihin mo ba kina tita ang—" putol na wika ni Randy ng sumabad si Perry. "Hell no, baka may mawalan na naman ng trabaho dahil sa 'kin," eksaheradong ulit ni Perry sa sinabi ngkaibigang si Randy na kinatawa nito. "What, tama naman, a, we don't have prove yet. She looks innocent," depensa pa ni Perry. Ewan ba niya pero pakiramdam niya ay ayaw niyang mawala sa bahay nila si Marga. Napangisi si Randy sa kanyang sinabi. "Hey, I know that smirk, bro," gagad kay Randy. "Daddy!" malakas at matinis na tinig ng anak nito dahilan upang maputol ang kanilang usapan. "Hello po, tito-ninong," bati pa ng bata nang mapansin siya nito. "Hello, big boy ka na kaya wala nang gift si tito-ninong sa 'yo," anang ni Perry dahilan upang mapabusangot ang mata. Natawa si Perry sa naging reaksyon nito. "I'm just kidding, ikaw ba naman ang mawawalan ng regalo. Dahil big boy ka na ay cash na lang ang ireregalo ko para ikaw na ang bumili ng gusto mo. Wala na kasinv time si tito-ninong bumili," aniya sa bata. "Thank you po, tito-ninong the best ka talaga," masiglang saad ng bata saka tumakbo patungo sa mga kasama na nanunuod ng magic trick ng magician na inarkila nila. "So, hanggang kailan ka magiging ganyan?" seryosong tinig ni Randy nang makalayo ang anak nito. "What do you mean?" maang ni Perry nang hindi makuha ang nais sabihin ng kaibigan. Isang taon lang ang tanda ni Randy sa kanya pero parang kuya na ang turing niya rito. High school pa sila noong una silang magkita, bagong transfer ito sa kanilang klase ay naging instant best of friends sila hanggang ngayon. "You know what I mean, look, 6-year old na si Matthew at hanggang ngayon ay naglalaro ka pa rin sa mga babae. You should find someone na seseryosohin mo," seryosong payo ni Randy. "Running for mayor, isn't easy, you need to gain the trust of the people, sa tingin mo ba ay makukuha mo ang kanilang tiwala kapag alam nilang—" putol na wika ng kaibigan at siya na ang tumuloy. "Alam nilang babaero ako," sabad niya kay Randy. "Ikaw ang nagsabi niyan," gilalas nito. "Trust me, Perry, mananalo ka kung susunod ka sa payo ko," seryoso pang habol ni Perry saka ito tumayo at tinungo ang kinaroroonan ng asawa nitong may kasamang ibang parents ng mga batang dumalo sa birthday party ng kanilang anak. Wala namang nagawa si Perry kundi ang sundan ng tingin ang kaibigan habang itinutungga ang beer. Kitang-kita ang saya sa mag-asawang Randy at Shirley sa kaarawan ng nag-iisang anak nila. 'Panahon na rin ba upang magkaroon ako ng pamilya?' anang sa isipan at doon ay sumingit ang magandang mukha ni Marga sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD