Hindi malaman ni Tyreen kung ano ang gagawin sa sandaling ‘yon lalo na at nahuli sa akto ang kanyang amo na may ginagawang kababalaghan. Mabilis na tinakpan ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad. “Anong ginagawa mo rito?!” tinig na nagpanumbalik sa kanyang kaisipan. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. “Inutusan ako ni Manang Ingga,” tugon sa kanilang senyorito. “What? I mean, you should knock the door first,” palatak ni Perry kay Marga. “Bakit kasi nakabukas ang pinto?” maang na sagot naman ni Marga. Napatapik na lamang si Perry sa ulo dahil naalalang hindi nga pala naisarang mabuti ang pinto dahil nagulat siya nang datnan doon si Diana. “You can open your eyes now,” maang ni Perry sa kasambahay. “Sure? Baka mamaya ay may makita akong hindi maganda,” anang niya kay Perr