Chapter 13: Magkaribal sa Iisang Babae

1550 Words
Mabilis na tinapos ni Tyreen ang paglilinis sa silid ni Perry lalo pa at nakakilang ang mga tingin nito sa kanya na para bang pinag-aaralan ang bawat galaw niya. "M-May problema po ba, senyorito?" maang na usisa sa lalaki. "Ha? Uhmmm, wala naman, curious lang ako kung bakit ka nagustuhan ng isang Tyrese Escodero," hindi mapigilang saad ni Perry sa kanyang nasa isipan. Agad namang napakunot-noo si Tyreen sa sinabing 'yon ng babae. "Bakit, senyorito, dahil ba mahirap ako ay hindi na ako magugustuhan ng isang mayamang tulad nk Tyrese?" anang ni Tyreen. "Teka lang, bakit parang ang bigat ang loob mo doon sa tao, mukhang wala naman siyang ginagawang masama?" bulalas pa kuno ni Tyreen upang kunin ang komento nito o opinyon. Nakitang napangisi si Perry sa kanyang sinabi. "What is that smirk for?" palatak ni Tyreen na hindi niya napigilang ilabas kung sino talaga siya. Natigilan si Perry nang marinig ang tinig ng babae. Agad tuloy siyang napabaling rito na may pagdududa sa tingin. Hindi sa galing nitong mag-english kundi sa accent nito. "Bakit ka nakatingin?" mataray ba sita ng Tyreen upang pagtakpan ang kanyang nasabi kanina.'Sh*t, Tyreen naman kasi, bakit hindi mo nirerendahan ang bibig mo?' sermon sa niya isipan. "Wala ka talagang alam?" maang ni Perry sa kanya. "Alam saan? Wala talaga akong alam kung hindi mo sasabihin," ani Tyreen. Napamulsa si Perry saka matiim na tumingin kay Marga. "Baka kapag nalaman mo ang namamagitan sa pamilya namin at sa pamilya ng boyfriend mo ay umalis ka sa trabaho mo?" maang na wika ni Perry na kinakunot-noo ng babaeng kausap. "Anong ibig mong sabihin? Bakit, magkaaway ba ang pamilya ninyo?" maang na usisa. "Hindi lang magkaaway, kundi maghigpit na magkaribal sa negosyo at politika," sagot ni Perry kay Tyreen. Natahimik si Tyreen sa sinabing 'yon ni Perry. "Natahimik ka?" sunod na wika ni Perry. "Kaya nga mas mainam na sanang hindi mo malaman," hirit pa ni Perry. "Bakit?" salitang nanulas sa labi ni Tyreen. "What do you mean, bakit? Matagal na ang hidwaan sa pagitan ng Escodero at Caballero mula pa sa lolo ko dahil sa lupain hanggang sa napunta sa negosyo at politika," bulalas ni Perry. Napatango-tango na lamang si Tyreen at hindi malaman kung ano ang sasabihin. "Idagdag pang dahil na rin sa babae," dagdag ni Perry dahilan upang mapaangat ang tingin ni Tyreen kay Perry. "B-Babae?" maang na wika. Kinabahan siya ng dahil mukhang ang ina ang tinutukoy nito. "Oo, babae pero hindi ko alam ang buong kuwento, narinig ko lang," maya-maya ay saad ni Perry. Lumalim tuloy ang pag-iisip ni Tyreen hinggil sa ina. 'Hindi kaya nagpakamatay si mama dahil sa pinag-aagawan ito nina papa at ni Patricio?' anang sa isipan ni Tyreen. Lalo tuloy umigting ang pagdududa sa isipan ni Tyreen sa ama kung may kinalaman ito sa tunay na dahilan kung bakit nagpakamatay ang ina. "Mukhang hindi ka naniniwala sa sinabi ko? Kaya nga dapat ay kinilala mo muna ang tao bago mo sinagot," giit ni Perry saka ito nagtungo sa banyo. Mukhang nakaligo naman na ito dahil medyo basa pa ang buhok nito. Nang makapasok ang lalaki sa banyo nito ay dali-dali na naman nang lumabas si Tyreen. Nakasalubong pa niya si Manang Ingga sa hagdan pero hindi niya ito pinansin bagay na ipinapagtaka naman ng matanda. Nalagpasan na niya ito nang marinig ang boses nito. "Marga, may problema ba?" usisa nito. Dalawang hakbang na lamang siya para maabot ang ibaba ng hagdan, nilingon niya si Manang Ingga. "W-Wala po, manang medyo sumakit lang ang tiyan ko," pagdadahilan sa matanda. "Ah, akala ko ay may ginawa na namang iba si Senyorito Perry sa 'yo," anang nito. " W-Wala naman po pero may nakuwento siya, totoo po bang matagal na ang hidwaan ng pamilya Caballero at mga Escodero?" usisa sa matanda at doon ay nakitang umilap ang mga mata ni Manang Ingga. " Bakit, ano bang kuwento ni Senyorito Perry sa 'yo?" hirit pa nito. " Sabi ay matagal na ang hidwaan ng pamilya Caballero at Escodero dahil raw sa negosyo at politika," aniya kay Manang Ingga. " Una talaga dahil sa lupa, walang nais patalo sa dalawang pamilya lalo na sa dulong bahagi ng Rancho Iluminada at dulo ng Hacienda Caballero," wika ni Manang Ingga. " Sa may talon po ba?" hindi mapigilang usisa ni Tyreen. Awtomatiko tuloy na napakunot ang noo ni Manang Ingga sa kanyang sinabi. "Paano mo nalaman ang hinggil sa talon?" maang na usisa ni Manang Ingga. Halos matampal ni Tyreen ang noo dahil nadulas na naman ang kanyang dila. "Po?" gilalas niya sa gulat. "Sabi ko paano mo nalaman na ang talon ang pinag-aagawan ng dalawang pamilya?" hirit ni Manang Ingga. "Uhmmm, nasabi po ni Senyorito Perry at galing nga raw po siya roon at naligo," bamilis na dahilan. Mabuti na lang talaga at naalala ang lalaki at idagdag pang napansing mamasa-masa pa ang buhok nito. "Oo, 'yon ang puno't dulo ng lahat, tapos mahigpit pa silang magkakompetensya sa negosyo, parehong malawak ang lupa sa tubo kaya pareho ring may plantasyon ng asukal. Lalong humigpit ang iringan nila nang maging sa politika ay magkalaban sila," kuwento ni Manang Ingga dahilan upang itanomg rito ang hinggil sa ina. "Totoo po bang maging sa babae ay naging mahigpit na magkaribal sina pa— I mean Senyor Patricio at Mauricio?" lakas-loob na turan kay Manang Ingga dahilan upang mabilis na inilibot ang tingin upang siguraduhing walang nakikinig sa usapan nila. "Shhh! Sinong nagsabi sa 'yo niyan?" bulalas ni Manang Ingga sa kanya. "Nabanggit rin po ni Senyorito Perry pero hindi niya lang sure kasi narinig niya lang daw noon," anang niya sa matanda. "Hay naku, huwag mo na lang alamin dahil mahirap pag-usapan ang bagay na 'yan dito," iwas na saad ni Manang Ingga. "At bakit naman kasi nabanggit sa 'yo ng batang 'yon ang tungkol sa mga Escodero?" hirit ni Manang Ingga. 'Pasensiya na manang pero kailangan kong magsinungaling,' anang ni Tyreen sa isipan. "Hindi po ba nakita niya ang kasintahan ko? Nakilala niya si Tyrese Escodero," saad at nakitang nanlalaki ang mata ng matanda. "Saglit lang, ibig mong sabihin isang Escodero ang iyong kasintahan?" bulalas ni Manang Ingga na tinugon niya ng marahang tango. "Alam ni Senyorito Perry na ang kasintahan mo ay isang Escodero?" bulalas na sunod nitong tango na tinugon na naman niya ng tango. Napamaywang si Manang Ingga. "Sigurado ka bang wala kang alam sa hidwaan ng pamilya Caballero at Escodero?" muli nitong tanong dahilan upang mapabulong na naman ng dasal ni Tyreen dahil sa pagsisinungaling sa matanda. "Wala po kaya nga na-cuirous ako kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni Senyorito Perry nang makita niya ang aking kasintahan," anang niya. "Sa tingin mo ba ay sinabi na ni Senyorito Perry sa mama niya ang hinggil sa kasintahan mo?" maang ni Manang Ingga. "Hindi ko po alam," tugon niya. "Huwag mo nang sabihin dahil tiyak na tatanggalin ka ni senyora sa trabaho. Baka isipin pa niyang espiya ka ng mga Escodero," payo ni Manang Ingga. "Iyan nga po ang deretsahang sinabi ni Senyorito Perry sa 'kin, hindi ko naman alam na may sigalot pala sa pamilya nila at sa pamilya ng boyfriend ko," pagsisinungaling pa ni Tyreen. "Personal na buhay mo 'yan kaya hindi ako makikialam. Ikaw dapat mo talagang kilalanin ang kasintahan mo, bakit hindi niya nakuwento ang hinggil sa pamilya nila?" saad ni Manang Ingga. "Baka po ayaw niya akong madamay lang o naisip niyang hindi ko na dapat malaman 'yon," depensa kuno sa kasintahan. " Sabagay nga naman baka kapag malaman mong may kaaway sila at kung ano pa ang isipin mo. O, siya, tulungan mo na si Elsa sa likod upang magsampay sa nilabhan niya," dismiss ni Manang Ingga sa usapan nila nang marinig ang seryosong tinig ni Senyora Franceska na dumating na pala. "Nasaan ang Senyorito Perry ninyo?" bulalas nito na para bang susugod sa giyera. "Nasa silid po niya naliligo, senyora, may kailangan po ba kayo sa kanya?" tugon ni Tyreen sa senyora. Kita sa mukha ng senyora ang pagtitimpi sa inis at galit. "Bakit, senyora may ginawa na naman po ba si senyorito?" awat na usisa ni Manang Ingga. "Naku, Ingga, ang alaga mong 'yan, buhat nang magbinata, puro sakit na lamang ng ulo ang binibigay niya!" inis na bulalas ni Senyora Franceska. Hindi na tumuloy si Manang Ingga sa ikalawang palapag ng bahay at bumaba sa sala upang payapain si Senyora Franceska. "Kumalma ka lang, senyora baka tumaas na naman ang presyon mo," awat nito sa kanilang amo. "Tataas talaga ang presyon ko sa batang 'yan, may kinatagpo na naman sa may talon at anak pa talaga ng magsasaka sa bukid. Nakakainis!" bulalas ni Senyora Franceska dahilan upang mapakunot-noo si Tyreen. 'Kaya pala,' anang na lamang sa isipan. Kaya pala basa ang buhok nito dahil may kasama itong nagtampisaw sa talon. "Naku, tawagin mo ang batang 'yon, Domingga at masermunan ko!" gigil pa ring saad ng senyora. "Ikaw na pala, Marga para mas mabilis," baling ng senyora kay Tyreen. Walanv nagawa si Tyreen kundi ang sumunod sa utos ng senyora. Alanganin pa siyang kumatok dahil baka nagbibihis pa ang lalaki, mahirap na baka bumuluga ang mahaba nitong taguro. Hindi tuloy maiwasan ang nakitang hubo't hubad na likod ng lalaki. 'Si Diana kaya ang kinatagpo niya sa talon?' hindi tuloy maiwasang tanong sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD