Chapter 6: Ma0ang-akit na Babae

1635 Words
Hindi inaasahan ni Tyreen na tatagal siya ng isang linggo sa loob ng bahay ng mga Caballero. "Aba, ang lawak ng pagkakangiti natin, a," puna ni Manang Ingga sa kanya. "Paano po ay off niya bukas, tiyak na makikipagkita sa bf," palatak naman ni Elsa na noon ay tuluyang gumaling. "Sinong bf?" palatak ni Manang Ingga. "Ano pa 'di iyong boyfriend niya, nobyo, kasintahan, jowa, syota, ano pa ba?" bulalas ni Elsa dahilan upang batukan ni Manang Ingga. "Alam ko, kaya nga tinatanong ko kung sino ang bf niya?" gilalas naman ng matanda dahilan upang mapayuko na lang si Elsa na natatawa. "Hoy, sino daw bf mo?" untag nito kay Tyreen na noon ay natatawa sa dalawang kasamahan. Maya-maya ay pumasok naman sa silid nila si Manang Leticia habang kasama nito ang pamangkin na si Diana na noon ay agad na napako ang tingin kay Tyreen. "Sino siya?" maang na usisa nito. "Bago naming kasamahan," mabilis na tugon ni Elsa."'Di ba ang ganda niya para maging katulong," hirit pa nito. Nangunot ang noo ni Diana. May kinuha lang si Manang Leticia at lumabas rin ng silid nila kaya sumunod rin si Diana rito na nauulinigan pang nang-uusisa sa matanda hinggil sa kanya. "Naku, iyang si Diana na 'yan, isa pa sa mga babaeng gustong sumilo diyan kay Senyorito Perry," bulalas ni Manang Ingga. "Ibig po bang sabihin ay—" mabilis na putol na wika nang hindi magawang sabihin ang mahalay na salita na nasa isipan. "Oo, lahat sila gustong bumukaka mabingwit lang si senyorito pero alam kong sa karisma ko babagsak si Senyorito Perry," palatak na wika ni Elsa dahilan upang napatawa na rin si Tyreen sa kakalugan ng kanyang kasama. "Naku, isa ka pa!" bulalas na sita ni Manang Ingga kay Elsa. "Manang, kahit na sinong babae ay maglalaway talaga kay senyorito kaya hindi mo maiiaalis na isa na ako roon," bulalas ni Elsa. "Ako kasi kontrolado ko ang feelings ko at besides alam ko ilagay ang sarili ko kung saan ako dapat," cool pang wika nito na tila seryoso pero batid ni Tyreen na nagpipigil lang ding matawa ang babae. "Ikaw, Marga, hindi ka ba naglalaway kay senyorito?" bulalas nitong baling sa kanya. "Ako? Naku, hindi, a," bulalas niya. "May bf ako at baka kapag nakita mo siya, hindi ka lang maglalaway, baka panty mo kusang bababa," aniya kay Elsa na noon ay napatili dahilan upang batuhin ni Manang Ingga ng unan. "Bunganga mo, nakakabulabog! Naku, Marga, matulog na tayo at bukas ay off mo, uuwi ka ba sa inyo?" usisa ni Manang Ingga. "Opo," magalang na tugon rito. "O, siya, magpahatid ka na lang sa driver sa bayan para hindi ka mahirapan," bilin pa nito saka ipinikit na ang mga mata. Nang ibaling ang tingin kay Elsa ay sumenyas na itong tatahimik na kinangiti niya at nagtungo na sa itaas ng kama upang doon ay matulog. Naiiling na lamang si Tyreen nang dumapo sa isipan ang guwapong mukha ng kanilang Senyorito Perry. Malabo na sigurong magkaayos pa ang pamilya nila lalo na at masyado nang malalim ang lamat at sigalot sa pagitan nila. Mula sa lupa, negosyo at politika ay mahigpit na magkatunggali ang pamilya kaya isipin pa lamang sila ni Perry ay malayong maging sila dahil tiyak na tutol ang buong angkan nila kung ito ang magiging asawa. Lalong napailing si Tyreen sa isiping pumasok sa isipan. 'Makatulog na nga, kung anu-ano tuloy napasok sa isipan ko,' anang sa isipan. Ngunit kahit anong pilit niyang matulog ay hindi siya makatulog. Mga dalawang oras din siyang nakapikit pero ang utak ay gumagana pa rin. Hindi naman siya makakilos dahil baka magising si Manang Ingga na noon ay nakatulog sa ilalim ng double deck na bed. Nang balingan sa kabila ay nakatulog na si Elsa na siyang maingay kanina. Nasa ibaba naman na nito si Manang Leticia ngunit wala roon ang pamangkin nitong sinasabing dito maiikitulog. Ilang minuto pa siyang dilat ang mga mata nang makaramdam ng gutom. 'Sh*t,' mura sa isipan nang maalalang hindi nga pala siya kumain ng maayos kagabi dahil hindi niya gusto ang ulam nila. Hindi sa mapili siya pero ginataang alimasag kasi 'yon na may hipon, hindi kasi siya nakain ng may gata lalo na at gabi dahil nasisira ang kanyang tiyan. Muling kumalam ang kanyang tiyan, sinipat na muna ang mumurahing cell phone na dala niya. Alas-onse na 'yon ng gabi kaya malamang ay tulog na ang mga kasamahan nila sa bahay. Maingat na bumaba si Tyreen mula sa kama para hindi magising alinman sa kanila. Patingkayad pa siyang sumabas at marahang binuksan ang pinto. Mukhang tulog na tulog naman ang mga ito gawa ng maghapong trabaho kaya hindi na siya nahirapang makalabas pa ng kanilang silid. Agad na tinumbok ang kusina at tinungo ang freezer, kumuha siya ng bread at palamang naroroon. Nagtimpla rin siya ng kape para kahit papapaano ay mainitan ang kanyang sikmura. Mainam na lamang at maliwanag sa parteng 'yon ng kusina dahil nakaharap sa may pool area at malaking salamin 'yon kaya tagos ang ilaw mula sa poste sa labas. Pagihop na si Tyreen sa mainit niyang kape nang bigla ay may imahe siyang nakita mula sa labas. Halos mabitiwan niya ang tasang hawak, mainam na lamang at mabilis na naibaba 'yon sa counter. Buong akala ay nakakita na siya ng multo, 'yon pala ay may dalawang taong naglalampungan sa labas. Mukhang tama sina Elsa at Manang Ingga, maging ang Diana na 'yon ay kaharutan ng kanilang Senyorito Perry. Mataman siyang nakamasid sa mga ito, sabagay, maganda naman si Diana at mukhang hindi naman siguro sagabal ang estado sa buhay sa kanilang dalawa. Nasa ganoon siya akto nang maramdamang tila may tao sa kanyang likuran kaya agad siyang napalingon at laking gulat niya nang makita si Senyora Franceska. "S-Senyora?" bulalas niya sa sobrang gulat sa biglaan nitong pagdating. "Itikom mo ang bibig mo baka mahulog ang nasa loob," seryoso nitong wika. Hindi tuloy mapigilang tingnan ni Tyreen ang dalawa sa labas na pinapanuod kanina. Mukhang nakita na rin ng senyora ang kanyang tinatanaw kanina. "Kanina ka pa ba dito?" seryosong tanong nito. "Naku, hindi po senyora, pasensiya ka na ngayon lang po ito, hindi na mauulit. Hindi po kasi ako nakakain kaninang hapunan," paliwanag rito. "It's okay, open ang pagkain rito," anang nito saka nagtungo sa fridge at kumuha ng tubig. "Bakit ka naman hindi kumain kanina?" untag nitong usisa. "Kasi po, may gata ang ulam, ewan ko ba, nasisira ang tiyan ko kapag ganoon," aniya sa senyora. "Ganoon ba? How about them, kanina pa ba sila?" usisa nito sabay nguso sa kinaroroonan nina Diana at Senyorito Perry. "Nagulat nga po ako kanina kasi akala ko tulog na lahat, akala ko pa nga po, multo," palatak sa senyora ngunit mukhang seryoso ito. "Tulog na ba si Leticia?" tanong nito. Kinabahan si Tyreen dahil mukhang mawawalan ito ng trabaho dahil sa kalandian ng kanyang apo. "Opo, senyora," tugon rito. "Ganoon ba, bukas na lang kung ganoon," palatak nito saka tumalikod na. "S-Senyora!" tawag rito at nakitang napatigil. "Yes, may sasabihin ka ba?" usisa nito. Napalunok si Tyreen lalo pa at tila namanhid ang kanyang dila. "A, w-wala, sasabihin ko po sanang good nigjt," aniya rito. Nakita niyang bahagya itong ngumiti saka nagpatuloy na sa pag-alis. *** Hindi mapigilan ni Perry ang naakit kay Diana, nasa balkonahe siya ng kanyang silid at nainom nang bigla itong tumitaw sa tapat ng balkonahe niya na suot ng two piece red skimpy swimsuit. Napangiti siya rito at walang balak babain dahil baka may makakita sa kanila lalo na ang bagong kasambahay nila pero masyadong mapang-akit ang babae dahil mubuka ito sa tapat niya at nilaro ang maselang parte ng katawan nito dahilan upang mag-init si Perry at hindi napigilang bumaba na. Sa gilid ng swimming pool ay inangkin ang mapangahas na babae. Akalain ba niyang kaya nitong bumukaka roon, mainam na lamang at gabi kaya madilim ang paligid pero maliwanag pa rin naman gawa ng nakapalibot na poste. "Sh*t ka, ang lib*g mo," anas niya kay Diana habang marahas na sinisibasib ang labi nito at nilalamas ang malulusog na dibdib. "Masarap lang talaga ako, Perry kaya hindi mo ako matiis," nahihibang na wika ni Diana. "Ipakita mo ba naman ang langit, kahit na sinong lalaki ay mauulol," tugon ni Perry na mabilis na tumigas at tumayo ang taguro. Pilyang natawa si Diana at mas lalong ikiniskis ang p********e sa ari ni Perry. "Ohhh, sh*t, you're making me crazy," bulalas ni Perry ba noon ay hindi na napigilang angkin ang babae sa gilid ng pool. Paulit-ulit niyang inangkin ito. Mabilis, marahas at nakapang-iinit. Agad rin namang humupa ang init dahil malamig sa labas. Ngunit pilya si Diana at mukhang wala itong balak na pakawalan siya. Lalo nitong ikiniskis ang katawan upang muling magningas ang init sa katawan nila. Habang sinisibasib at kinakapa ang katawan ni Diana ay tila may mga matang nakamasid sa kanila kaya hindi maiwasang igala ni Perry ang tingin. "Stop," saway kay Diana na pilit inaagaw ang atensyon niya. "Bakit, hindi pa ako tapos," anas ni Diana. "Mukhang may nakatingin, baka si mama at alam mo na ang mangyayari kung si mama," bulalas ni Perry na kinatigil ni Diana. Inikot pa ni Perry ang tingin hanggang sa tumagos ang mga tingin sa malaking salamin ng sliding door at doon ay nakitang nakatayo sa may counter ang bago nilang katulong na si Marga. "Oh, sh*t, nakita yata ako!" bulalas ni Tyreen nang mapagtantong nakatitig nga sa kanya si Perry. Gusto pa sana niyang magtago pero kitang-kita na siya nito. Wala siyang nagawa kundi ang ituloy ang kanyang kape para matapos na at pumasok na sa silid nila. Ngunit bigla siyang kinabahan nang iwan ni Perry si Diana at naglakad palapit sa kanyang kinaroroonan. 'Takbo!' sigaw ng isipan pero hindi nagawang ikilos ang kanyang mga binti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD