Sebastian POV. Sunod-sunod ang pagkatok sa pinto. Noong una ay binalewala ko lamang iyon. Ngunit nang hindi ito tumigil, napilitan akong tumayo at sumilip sa peephole. At halos mapamura ako sa nakita. Si Pareng Isaac. Walang iba kundi ang matalik kong kaibigan at pinsan ni Alexandrea. “Ano'ng problema?” tanong ni Alexandrea mula sa likuran ko. Mabilis akong tumuwid. “Wala.” Napakunot-noo siya. “Wala?” Tumango ako. “Wala akong nakita.” Mabuti na lang at agad siyang naniwala at bumalik sa dating pwesto. Hindi ko pa kayang ipaliwanag kay Pareng Isaac kung bakit kaming dalawa ni Alexandrea ay magkasama sa isang hotel suite sa ganitong oras ng gabi. Sigurado akong hindi iyon matatapos sa simpleng usapan. At malamang ay suntukan kaming dalawa. Kaya mas mabuti nang hindi ko muna s

