Sebastian POV. Nagising ako dahil sa ingay. Mabigat pa ang pakiramdam ng katawan ko at kumikirot ang mga sugat sa tagiliran at balikat ko. Ngunit bago pa man ako tuluyang mamulat, may isang bagay na agad kong napansin. Isang pamilyar na amoy. Napakunot-noo ako. Hindi ako maaaring magkamali. Pabango iyon ni Alexandrea. Agad akong nagmulat ng mga mata at sinuyod ng tingin ang buong silid. Wala siya roon. Ngunit sariwa pa rin ang amoy niya sa paligid. "Mama..." mahina kong tawag habang sinusubukan bumangon. Akmang tatawagin ko muli ang aking ina nang biglang bumukas ang pinto. Sunod-sunod na pumasok ang mga kaibigan ko. Parang mga walang pasyente sa kwartong ito. "Hoy! Gising na pala ang bangkay!" sigaw agad ni Pareng Hugo. "Akala ko mamayang gabi pa 'to magigising," dagdag ni

