Alexandrea POV. Pagdating namin sa Mansion Alegre ay agad na dinala ng mga nurse at kasambahay si Mama sa kanyang silid. Kahit mahina pa ang katawan niya dahil sa mild stroke, halatang may hinahanap siya. At hindi nagtagal ay nalaman ko rin kung sino. "Nasaan si Damian?" Napahinto ako sa pag-aayos ng kumot niya. "Anong sabi mo, Mama?" "Sabi ko, nasaan si Damian?" ulit niya, mas malakas na ngayon ang boses. "Bakit hindi ko siya makita?" Napakurap ako. Sa halip na mag-alala sa kalagayan niya o magtanong tungkol sa mga nangyari sa kompanya habang nasa ospital siya, ang lalaking iyon agad ang unang hinahanap niya. “Si Damian. Papuntahin mo siya rito.” Hindi muna ako sumagot. Tahimik ko lang siyang tinitigan. Ngunit tila lalo niyang nilakasan ang boses. "Alexandrea!" Naroon na nam

