CH- 4

2285 Words
Alexandria POV. Nang Malaman ni Mama ang kasunduan namin Mr. Sebastian, bilang sperm donor upang bigyan ako ng anak ay mahigpit niyang tinutulan. Kaya napilitan akong ikansela ang kontrata namin. At simula noon ay nawalan ako ng balita sa kanya. Parang bula siyang naglaho… noong una, inisip kong mabuti na rin iyon. Kagaya ng gusto ni Mama, baka nga tama siya. Kung kailan ako umabot sa edad kong ito ay saka ko danasin ang dinanas niya. Subalit ang hindi ko maipaliwanag, bakit habang tumatagal… may kakaibang pakiramdam na unti-unting sumisiksik sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano iyon, hindi ko naman siya minahal, ni hindi ko nga siya lubos na nakilala. Ngunit bakit parang may kulang? Bakit parang may iniwang puwang ang isang lalaking halos estranghero sa buhay ko? “Alexandria, tama na ang mga kalokohan mo,” madiing paalala ni Mama isang gabi habang magkasabay kaming naghahapunan. “Hindi mo kailangan ng lalaki para maging buo.” Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik. Dati, oo… naniniwala ako roon. Lumaki akong gano’n ang paniniwala. Na ang pagiging independiyente ay sapat na. Na hindi ko kailangang maranasan ang kahit anong uri ng attachment. Pero ngayon… simula ng makilala ko si Sebastian, at hinalikan niya ako… higit sa lahat nakita na niya ang pribadong parte ng katawan ko, hindi na ako sigurado. “Ma, gusto ko lang naman magkaroon ng anak.” mahinahon kong tugon. “Maraming paraan na hindi mo kailangang isugal ang sarili mo, kagaya ng sinabi ko may mga kaibigan akong doktor” sagot niya agad, tila handa sa argumento. Napangiti ako ng pilit… hindi niya talaga ako nauunawaan. Hindi ito basta desisyon ko lang, parang may bahagi sa akin na matagal nang naghahanap… at si Sebastian ang naging sagot, kahit panandalian lang. At marahil… iyon ang isa sa kinatatakutan ko… baka hindi lang iyon tungkol sa pagkakaroon ng anak. Na baka… may iba pa. — Lumipas ang mga linggo. Bilang isang chairwoman ng isang wine company, naging abala ako sa trabaho. Hindi man kadalasan akong involve. Ngunit sa araw-araw ako ang nag-set ng ng malalaking desisyon at strategy. 1. Strategic Direction (Malaking Direksyon ng Kumpanya) 2. Pamumuno sa Board of Directors 3. Oversight sa Management (Hindi Direct Operations) 4. Governance at Compliance 5. Representation (Mukha ng Kumpanya) 6. Financial Oversight Sa madaling salita: Ako ang nagbibigay ng direksyon, nagbabantay sa sistema, at nagde-decide sa malalaking galaw ng wine company, hindi ako ang gumagawa ng wine, pero naninigurado ako kung paano maging matagumpay ang negosyo At aminin ko man o hindi ginagawa ko iyong dahilan upang kahit paano malibang ang aking isipan. Nang hindi ko masyadong maisip si Sebastian. Ngunit sa tuwing sumasapit ang gabi, doon bumabalik ang mga tanong. Nasaan na siya… galit ba siya kaya kahit paramdam wala? O baka wala lang talaga akong halaga sa kanya? Hanggang isang araw… habang palabas ako ng opisina, may napansin akong pamilyar na pigura sa kabilang kalsada. Matangkad, matikas at kahit nakatalikod… hindi ako maaaring magkamali. Siya iyon… “Sebastian…” halos pabulong kong sambit. Hindi ko namalayang napahakbang ako palapit patungo sa kinaroroonan niya. Ngunit bago pa ako tuluyang makatawid ng kalsada, bigla siyang sumakay sa isang itim na sasakyan. At sa isang iglap… nawala na naman siya. Para bang sinasadya ng pagkakataon na mangyari iyon at para bang ayaw niya talagang magpakita sa akin. Napahinto ako sa gitna ng daan, nanlalamig ang mga kamay… nanginginig din ang mga tuhod ko at nanlalambot. Sobrang nanghihinayang na hindi ko man lang siya nagawang lapitan o nakausap man lang. Alam ko hindi aksidente na makita ko siya, hindi rin iyon pagkakataon at dama ko na sinadya niyang hindi ako makita. At sa kaunaunahang pagkakataon… mas masakit pala iyon kaysa noong inakala ko na hindi na niya magagawang magpakita. Iyong aktwal na abot kamay ko na ngunit hindi ko pa rin siya nagawang hawakan. “Bakit?” mahina kong tanong sa sarili ko. Ano bang ginawa ko para iwasan niya ako nang ganito? O… may ibang babae na ng nag-alok sa kanya ng mas malaking halaga? Napayuko ako ngunit ang mga mata ko ay nakatitig pa rin sa direksyong iniwan niya. Napapailing akong naglakad pabalik sa nakaparada kong sasakyan. Agad akong sumakay, at nakita ko pa ang mga bodyguard kong nagmamadaling makasakay sa service car nila. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Bakit ako nagkakaganito dahil lang sa kanya? Parang hindi ko na kilala ang sarili ko simula nang magkaroon kami ng sandaling intimate ni Mr. Sebastian. Isa akong makapangyarihang babae, may dignidad at mataas na paninindigan. Hindi ako dapat naaapektuhan ng alaala ng lalaking iyon. Tama ang aking ina. Kung ngayon pa lang ay nakakaramdam na ako ng sakit, paano pa kung magkita kami muli? Siguradong mas mahihirapan akong kontrolin ang sarili ko. Kaya dapat, sa ngayon pa lang, sikapin ko nang kalimutan siya. Ayaw ko munang umuwi sa mansion. Sigurado akong kukulitin lang ako ni Mama tungkol sa lalaking napili niyang maging sperm donor. Sa halip, dumiretso ako sa bahay ng pinsan ko. Matagal na rin kaming hindi nakakapag-bonding, at nami-miss ko na ang kambal. Magkaiba man sila ng ugali, sa kanila ako nakakaramdam ng kapanatagan. Hindi lang sila pinsan para sa akin, para na rin silang mga kapatid. Siguro dahil wala silang kapatid na babae. Meron man, adopted iyon… at isang lihim na hindi alam ng lahat. Pagkaparada ko sa harap ng Mansion Alegre, sinalubong agad ako ni Isaac. Sigurado akong siya iyon, ayon kay Mama, nasa ibang bansa si Isacario. “May mabigat na gumugulo sa isip mo kaya ka narito, tama ba ako?” agad niyang tanong nang makalapit ako. Hindi ako sumagot. Sa halip, yumakap ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. “Wala ah. Na-miss ko lang kayo ni Isacario. Sinong kasama mo rito?” “Wala, mga kasambahay lang. Pero mamayang alas-diyes ng gabi may car racing, at gusto kong manood.” “Kung gano’n, aalis na ako,” sabi ko at mabilis na tumalikod. Ngunit agad niya akong hinila sa braso. “Mamaya pa ang alis ko. Halika muna sa likod, gusto kong kumain ng grilled squid.” “Mag-aamoy usok ako,” tanggi ko. “Maligo ka na lang pagkatapos. Halika na, wala akong kasalo sa pagkain. At alam kong hindi ka pa kumakain ng hapunan.” “Anong oras pa lang, hapunan na agad?” “Oo. Mas maganda nga ganitong oras ka kumain para matunaw pa bago ka matulog.” “Hindi ko kailangan ‘yon. Araw-araw akong nagte-treadmill,” sagot ko habang naglalakad kami papunta sa likod ng mansion. “Teka lang… anong himala at wala kang kaibigan ngayon dito?” “Wala. Sa racing field na kami magkikita-kita. Alam mo naman… pagkatapos ng laro, lalo na kapag nanalo sila, diretso agad sa ihaw-ihaw.” “Hindi ba sumasakit ang tiyan n’yo sa gano’ng pagkain? Napakadumi kaya ng mga ‘yon.” “Hindi naman. Kilala mo naman ang mga Montemayor… sila ang pasimuno sa ihaw-ihaw, at hanggang ngayon, buhay pa naman sila,” pabirong sagot niya. “Ikaw talaga. Hindi pa ako handang mawala ka, alam mo namang kayong dalawa lang ni Isacario ang natitira kong kamag-anak,” sabi ko. “Bakit kasi ayaw mong tanggapin ang half-sister mo?” “No way! Sila ang dahilan kung bakit kahit minsan, hindi ko nakita ang aking ama.” “Matagal nang wala ang taong kinamumuhian mo. Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin sila napapatawad?” “No! At kailanman, hindi ko sila mapapatawad.” “Haist… mabigat sa buhay ang may kinikimkim na galit. Kailanman, hindi ka magiging tunay na masaya.” Hindi ko na siya sinagot. Sa halip, lumapit ako sa inihaw na pusit. Hindi pa ako nakakatikim ng ganitong pagkain. Lahat ng kinakain ko, si Mama ang naghahanda, malinis, masustansya, at planadong mabuti. At ngayon… heto ako, nakatitig sa isang simpleng pagkain na tila napakalayo sa mundong kinalakihan ko. “Ano ba ang lasa ang pagkain na ‘yan?” tanong ko, iniba ko ang usapan namin. Ayaw kong madagdagan ang isipin ko dahil sa half sister ko.There was a time my half-sister tried to approach me, seeking my help, asking that I place her in one of my companies. I refused to see her. I made it clear that she was not to be allowed near me… barred from every company I own, as though her very presence was unwelcome. I hate her, and more than anything… I hate her mother. “Alex, huwag mo akong daanin sa ganyan. Alam kong may problema ka. Hindi ka pupunta rito kung wala. Ngayon, sabihin mo sa akin… tungkol saan ang problema mo at magtulungan tayo na resolbahin.” Umiling ako. Ayaw ko talagang sabihin sa kanya. Sigurado akong pagtatawanan niya lang ako. Simula pa noong mga bata kami, alam nilang dalawa ni Isacario na hindi ako naniniwala sa pagmamahal o relasyon. Kaya bakit ko sasabihin sa kanya ang nangyayari sa akin ngayon? “Fine! Mas mabuti pa, pagkatapos natin dito, maligo ka at isasama kita sa racing field. Doon, sigurado akong makakalimutan mo ang kung ano mang gumugulo sa matino mong utak.” Ngumiti lang ako. Dahil alam ko sa sarili ko, walang makakabura kay Mr. Sebastian sa sistema ko. Nang abutan ako ni Isaac ng inihaw na pusit, napilitan akong tanggapin iyon. Matagal ko muna iyong tinitigan bago sinubukang tikman. Napangiwi ako sa unang kagat, ngunit nahiya akong itapon iyon sa basurahan. Marami siyang kuwento habang kumakain kami. Alam kong ginagawa niya iyon para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Naubos ko rin ang inihaw na pusit, at saka ko lang napagtanto na masarap pala talaga iyon. Tumayo si Isaac at nagtungo sa loob. Alam kong kukuha siya ng wine, kaya agad kong tinawagan ang isa sa mga bodyguard ko. “Magdala ka rito ng tatlong bote ng wine… yung bagong labas. Hurry!” utos ko bago ibinaba ang tawag. Patitikman ko kay Isaac ang bagong timpla ng wine na ako mismo ang gumawa. Eksperto siya pagdating sa lasa ng wine, sa kanya ko malalaman kung papatok ito sa panlasa ng masa. Hindi kalayuan ang parking, kaya agad nakarating ang bodyguard ko. Pagkaalis niya, dumating naman si Isaac, may dalang isang bote ng wine at dalawang kupita. “Huwag mo nang buksan ‘yang wine mo. Here… bagong labas ‘yan. Gusto kong tikman mo kung pwede nang i-launch this week.” “Wow! Ang ganda ng label. Ilalabas mo na ba ito?” “Hindi pa. This week ang schedule, kaya naroon ka,” sagot ko. Hindi siya sumagot. Binuksan niya ang isang bote at agad na nagsalin sa kupita. Tahimik ko siyang pinagmamasdan, ngunit biglang tumunog ang cellphone na nakapatong sa mesa. Agad sumikdo ang dibdib ko nang mabasa ko ang pangalan sa screen… ‘Seb.’ Sino kaya ang Seb na tumatawag? “Isaac, may tumatawag sa’yo,” agaw ko sa atensyon niya habang nakapikit siya, tila ninanamnam ang lasa ng wine. “Hayaan mo ‘yan. Tropa ko lang ang tumatawag, kukulitin ako niyan para bilisan kong pumunta sa racing field.” “Sinong Seb?” patay-malisya kong tanong. “Dating kasamahan ko sa CIA. Bakit mo pala natanong?” “Wala naman… ano pala ang lasa ng wine?” “Masarap,” sagot niya bago muling nagsalin sa kupita. “Sa palagay mo, patok sa masa?” “Oo naman. Sigurado ako, dudumugin ito kapag nag-launch,” aniya bago muling lagukin at ubusin ang laman ng kupita. “Salamat. Kinabahan nga ako, baka hindi pumatok, medyo mahal kasi.” “Hindi naman sa presyo tumitingin ang mga mahilig sa wine, kundi sa lasa,” dagdag pa niya. Napangiti ako. Pinsan ko talaga siya, lahat ng ginagawa ko ay sinusuportahan niya. Ang hindi ko lang alam… handa rin kaya niya akong suportahan kapag nalaman niyang isang lalaki ang pinoproblema ko? “Maligo ka na. Maya-maya ay aalis na tayo,” utos ni Isaac bago tumayo at kumuha muli ng isa pang piraso ng pusit. Tumayo na rin ako at naglakad papasok. “Doon ka maligo sa kwarto ko. Naroon ang mga damit na isusuot mo.” “Salamat,” sagot ko. Hindi na siya sumagot, marahil ay hindi na niya ako narinig. - An hour later… Magkasunod kami ni Isaac sa pagpunta roon. Ayaw niya sana akong payagang magdala ng sarili kong sasakyan, pero hindi ako pumayag. Gusto kong may kalayaan akong umalis anumang oras kapag naisin ko. Pagdating namin sa racing field, sinalubong agad kami ng malakas na sigawan ng mga tao. “Nagsimula na pala sila,” wika ni Isaac habang nakatingin sa malaking screen. “Damn… wala pa ring kupas si Pareng Jason,” mahina niyang sambit. Sinulyapan ko ang board at nabasa ang pangalang binanggit niya, Jason Montemayor Llamas. Nangunguna siya sa ranking, kasunod si Argus Del Fierro. Hindi ko man sila lubos na kilala, pamilyar ang kanilang mga pangalan sa industriya ng negosyo. Kilala ko ang kanilang mga magulang, si Senyor Del Fierro at si Ms. Monaliza Margarett, asawa ni Mr. Matt Mondragon. “Halika, doon tayo sa tropa,” tawag ni Isaac. Agad akong sumunod sa kanya, ngunit napahinto rin ako. May nakita akong pamilyar na pigura at hindi ako maaaring magkamali.... si Mr. Sebastian De Marcus. Nakatayo siya sa gilid, bahagyang nakatagilid, at may kasamang babae. Masaya silang nagtatawanan habang nakatutok sa racing field. Bigla akong napaatras. Unti-unting namasa ang aking mga mata. Dama ko ang kirot, parang may matalim na bagay na paulit-ulit na tumutusok sa puso ko. Ngunit bago pa ako tuluyang nakatalikod… nagtama ang aming mga mata. At sa isang iglap, nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. Marahil… hindi niya inaasahang naroon ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD