"Myrrh! Hindi ka pa ba tapos magbihis?" Nakapag-ayos na ako ng aking sarili pero hindi pa din siya tapos. Nabihisan ko na din ang kambal pero hanggang ngayon nag-aayos pa din siya. Kaninang alas-sais pa siya gumising. At hindi na nga siya bumaba para mag-almusal dahil magkukulot daw siya ng buhok. Nagkatinginan kami ni Fourth. Kanina pa din ito naiinip. Malamang na naaaburido na naman 'to sa kaisipang nagpapaganda ang kaniyang anak. "Parang kailan lang no?" "She's still our baby," agad niyang sagot. Hindi niya matanggap na may munting dalaginding na kami. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang aking panganay na pababa na ng hagdan. Nakasuot siya ng baby pink na dress at ang buhok ay braided ang kalahati. "How do I look?" tanong niya. Umikot-ikot pa siya sa aming harapan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


