"SANDALI LANG!" awat ko kay Fourth dahil hindi ko pa man nabubuksan ang pintuan ng aking unit ay nagsimula na siyang manghalik at ang kamay niya ay kung saan-saan na naglakbay. Pabalibag na bumukas ang pintuan dahil sa bigat ng katawan namin. Kamuntik pa kaming mabuwal na dalawa kaso hindi talaga siya nagpaawat. Akala mo'y mabangis na hayop na ngayon lang kakain pagkatapos ng ilang araw na paghahanap ng pagkain. Sinandal niya ako sa dingding sabay sipa sa pintuan upang magsara. Wala kaming sinayang na sandali, tinulungan namin ang isa't isa na mahubad ang aming mga suot, habang ang aming mga labi ay agresibong naglalabanan. "Oh, f**k! Miss na miss kita, Almira..." masarap na ungol niya na ngayon ko na lang ulit narinig. Ang kaniyang mapupulang labi ay gumapang pababa sa aking leeg.

