School, Laida, bahay. Diyan umiikot ang araw-araw na buhay ko. Tuwing hapon pagkatapos ng aking huling subject, magmamadali na akong lumabas ng classroom at magtatago sa ladies restroom. At lalabas lang ako kapag natitiyak kong wala na sina Fourth. Alas-singko ang last subject namin. At tuwing natatapos ang klase, nag-aaya silang magpunta sa tambayan nila. Hindi ko alam kung saan sila tumatambay. Baka sa bar or I don't know. Ayaw kong maligaw ng landas. My God! First year college pa lang ako, baka unang sem pa lang lumagapak na agad ang mga grades ko. Ayaw kong lumagpas ng four years sa college. Nakakahiya at kapag nangyari iyon baka mawalan na din ako ng gana. Kailangan kong mag-focus at umiwas sa distraction. Nag-aaral si Laida sa araw sa ALS. Isang buwan na nga lang ay graduatio

