What if hindi ako noon naduwag? What if hindi ako noon umalis ng condo ni Fourth sa takot kay Mommy? What if nalaman nina Mommy na may nangyari sa amin ni Fourth? What if naging honest ako? And what if nagpakita ako noon kina Laida at Fourth? What if hindi na lang ako noon umalis ng bansa? What if mas naging matapang ako? Pagkatapos ng maraming taon nalaman din ni Fourth ang tungkol sa aming panganay sana. Akala ko noon habang buhay namin itong ililihim ni Kane. Baby, meet your big family. Binista naming lahat ang puntod ng aming baby. Kasama namin ni Fourth ang aming mga parents. Maluha-luha pa nga ang aming mga mommy habang tila hindi makapaniwala na mayroon silang unang apo sa amin na nawala at hindi man lang nila malaman. Sa tagal ng panahon na sobrang bigat ng dibdib ko sa m

