Nakapagtapos ako at nakapagpatayo ng sariling firm, pero tumutulong-tulong pa din ako sa pagpapatakbo sa kompanya namin. I did it, pero hindi ako masaya. At hindi ko na kailangan pang hulaan kung bakit. Kung bakit parang may kulang. Sa naglipas na taon, hindi kailanman nawala sa isipan ko si Almira. Miss na miss ko na siya at may ilang beses na din akong umiyak dahil doon. Siya ang dahilan ng kalungkutan ko at siya din ang dahilan ng mga ngiti ko sa labi. Kapag pagod na pagod ako sa trabaho, inaalala ko ang maganda niyang mukha. Ang kaniyang mga ngiti, hagikgik at tawa ay nagbibigay ng ngiti sa aking mga labi. Almira, miss na miss na kita. Hindi ka pa ba babalik? O gusto mong sundan na lang kita sa kinaroroonan mo? SHE'S BACK. Gustong-gusto ko siyang puntahan sa kanilang bahay

