Nagkasabay kami sa gate ni Fourth pagpasok namin. Nagkatinginan at sabay ding nag-iwas ng tingin. "Good morning," bati ko sa kaniya ng hindi tumitingin. Hindi siya bumati pabalik pero ayos lang sa akin dahil hindi ko din alam kung ano ang susunod na sasabihin ko pagkatapos. Kaming dalawa pa lang sa classroom namin. Nauna na siyang maupo sa kaniyang upuan dahil siya naman ang nasa bandang gilid. Nilabas ko ang aking notebook ng Math dahil plano kong mag-review. Matataas ang mga marka ko pero may bukod tanging subject talaga na mahina ako. At iyon nga ay ang math. Naglalaro lang sa eighty nine o eighty eight ang grades ko doon. Panira ng card ko dahil lahat ng ibang subjects ko ay line of nine lahat. Sinilip si Fourth sa ginagawa ko. Kahit mukha siyang easy go lucky, mas matalino siya

