"Natapos niyo ba ni Fourth ang assignment niyo?" tanong ni Mommy na hindi ko magawang tignan sa mga mata. Baka kasi may alam sila sa pagsisinungaling ko at isa pa baka mahalata nila ang namamaga kong mga labi. Dinig ko naman ang pagngisi ni Kuya sa aking gilid na alam kong duda na kanina pa lang. "A-Aakyat na po ako sa kuwarto ko," sabi ng nakatungo. Tumalikod na ako ngunit bago pa ako makarating sa may hagdanan nagsalita si Mommy. "Ano daw ang assignment nila?" tanong niya kay Kuya. "Movie review daw..." "Ano'ng movie?" "Spiderman?" Walang nagsalita sa kanila ngunit maya-maya pa ay sabay sila sa pagtawa ng mahina. Oh my God! Nakakahiya ako! Halos takbuhin ko ang pag-akyat ng hagdan makarating lang ako agad sa aking silid. Nagkulong ako hanggang gabi. Hindi ako lumabas kahi

