Aegia Haven Umaga na nang makarating kami sa Switzerland. Kumain muna kami sa isang café sa loob ng Zurich Airport. Mainit na kape at sariwang croissant ang agad naming tinikman habang pinapanood ang mga pasaherong papalabas at papasok ng paliparan. Tahimik lang si Silver habang umiinom ng kape, pero ramdam ko ang pagod at antok sa katawan naming dalawa. "You okay?" I asked him. Napatingin siya sa akin. "I’d feel a lot better once we get to the hotel—there’s a bed waiting for us," nakangisi niyang sagot habang nakatitig sa akin. Napahinto naman ako. "Matulog, Silver. Matulog ang ibig mong sabihin." Tumawa naman siya. "Matulog nga. Did I say anything else? Ano bang iniisip mo?" "Wala." Sinamaan ko siya ng tingin bago muling hinigop ang kape ko. Muli naman siyang tumawa. “No distra