Aegia Haven Nasundan namin si Andrei sa Fuga Island. Nagkaroon ng ingkwentro sa pagitan namin at ng mga dumukot kay Mia, ngunit hindi namin ito nabawi. Kusa itong sumama sa magkapatid na Abad, at iniwan si Andrei na halos magpakamatay na sa sobrang galit at pagkabigo. Na-stuck pa kami sa Isla sa loob ng limang oras dahil sinira nila ang mga motorboat namin. Mabuti na lang at naiwan si Glecy sa safehouse at siyang sumundo sa amin gamit ang chopper. Doon pa lang kami nakabalik ng Manila. PINALIPAS NA MUNA namin ni Silver ang ilang araw. Patuloy siyang humaharap sa mga bagong misyon, pero ako ay tuluyan nang nagpahinga at nag-submit na ng resignation letter sa headquarters. Humarap ako sa tumatayo ngayong bagong Supreme Director ng tatlong organisasyon, na si Eliana Cruz Miller. She’s t