Aegia Haven Nangibabaw sa buong mess hall ang malalakas na pito na nagmumula sa mga security officer na sumugod kaagad dito sa loob ng hall. May mga dala silang batuta at isa-isa nang pinukpok ang mga inmate. Agad naman naming binitawan ni Silver ang mga hawak naming inmate bago mabilis na yumuko sa sahig at inihawak ang mga kamay namin sa ulo. Mga nabalian na namin sila ng mga braso at maraming tama sa iba't ibang parte ng katawan. Nagsabog na ang mga pagkain sa buong paligid. Nakakalat na ang mga tray at wala na rin sa linya ang mga mesa at upuan. May mga nangabasag pa. "Sila ang nag-umpisa! Tinapon niya ang pagkain ko!" agad na sumbong ng lalaking dumaklot kanina kay Silver. Isa sa mga officer si Blaze, at agad na lumapit sa akin. Mabilis niyang dinaklot ang prison uniform ko sa li