Aegia Haven Tuluyan ko nang iniumpog ng malakas ang noo ko sa noo niya. Ngunit pareho ko rin siyang napapikit at napangiwi sa matinding sakit na idinulot niyon sa amin. "f**k!" sigaw niya habang nakasiksik ang mukha niya sa may tainga ko at leeg ko. "Why the hell did you do that?!" Muli siyang tumunghay sa akin. "Para magising ka sa kabaliwan mo!" sigaw ko naman sa mukha niya. "I'm just..." Huminto siya na tila hindi malaman ang sasabihin. "Damn it!" mura niyang muli na may kasamang panggigigil. "Get off! Get off of me!" sigaw kong muli sa mukha niya. Hindi ako makakilos dahil naipit din ang mga braso ko ng kumot! "Shh! Someone's coming, shut your mouth!" mariin naman niyang bulong sa akin. I instantly froze. We both held our breath. Voices echoed faintly. Footsteps—getting clos