ASHLEY PInagmamasdan ko lang sya habang nakaupong mag-isa sa tambayan. Sinabihan ko kasi si Kristal na papasukin ng maaga si Allysa para makapag-usap kami. Bakit hindi ako yung nagsabi sa kanya? Kase hindi ko kaya. Kase natatakot ako nab aka galit pa rin sya sakin dahil sa lahat ng ginawa ko sa kanya. Sana lang talaga hindi pa huli ang lahat. Napansin ko na bigla syang napaupo ng ayos ng makalapit ako. Napangiti naman ako dahil kahit hindi pa nya ko nililingon, may pakiramdam akong alam nya na ako yung papalapit sa kanya. Agad akong umupo sa tabi nya. Ilang minunto na kaming magkatabi pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Rinig na rinig ko yung t***k ng puso ko dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Kanina ko pa sya gustong yakapin pero pinipigilan ko yung sarili ko. Miss na miss