ALLYSA “San tayo pupunta bie?” nakangiting tanong ko kay Ashley. “Andami mong tanong bie, hintay ka lang dyan” sabay kindat nya sakin. “Kahit clue lang bie” “Walang clue bie” “Ang damot mo naman bie” napasimangot ako. “Bie diba sabi ko wag na wag kang magppout!” sabi nito sakin. “Bakit? Dahil pangit ako?” “Nope, dahil baka mahalikan kita bigla dyan” nakangiting sabi nito. Naramdaman kong namula na naman ako. “Uy nagbblush na naman si bie. Ang cute-cute lang” tukso pa nito. Hindi ko na sya sinagot, nakakainis eh, ang damot-damot. Dahil maaga kaming umalis, di ko namalayan na nakatulog pala ako sa byahe. “Bie, nandito na tayo” narinig kong sabi ni Ashley. Unti-unti akong mumulat at nanlaki yung mga mata. Pano nya nalaman tong lugar na to? Don’t tell me… Takang napatingin ako