ALLYSA “Kelan mo sasabihin sa kanya na mahal mo sya?” tanong sakin ni Lindsey. Nandito kami ngayon sa gym, may laban kasi si Ashley and si Kristal ngayon so eto kami, magccheer para sa kanila. “Gusto ko kasi Linds, pag nakakaalala na sya. Kase naisip ko, what if sabihin ko sa kanya na mahal ko sya tapos bigla syang makaalala, bigla nya kong kamuhian. Ayoko naman ng ganon” “Bat ka naman nya kakamuhian. Ang oa mo Allysa!” “Bakit? Sino bang may kasalanan kung bat sya naglalasing non? Kung bat sya napaaway? Kung bakit sya nagka-amnesia? Ako diba?” “Lagi mo na lang sinisisi yung sarili mo. Walang may kasalanan ok?” Umiling-iling lang ako. Kahit ilang beses nilang sabihin na walang may kasalanan sa nangyari, hindi ko pa rin maalis sa isip ko na ako yung dahilan kung bakit nangyari yon. Ma