ASHLEY “Wow babe, kanina ka pa nakangiti dyan. Nakakatakot na” si Kristal. Nandito kami ngayon sa gym, may practice kami kaya maghapon na naman kaming excused sa klase. “Naalala ko lang yung dinner date babe. Alam mo yun, ako pala yung gusto nyang makasama non” nakangiting sabi ko dito. “Eh ikaw lang naman yung ayaw maniwala sakin eh. Pinangunahan mo yung tao. buti na lang matalino si Allysa, alam nya kung anong dapat gawin” “Oo na, oo na. Eh kasi naman, kahit ako naguguluhan sa sarili ko. Bago sya dumating, alam ko lalaki yung gusto ko.” “Sigurado ka? Eh diba wala kang matandaan?” “So meaning noon pa lang nagkakagusto na ko sa babae?” takang tanong ko dito. “Hmmm, hindi naman sa ‘nagkakagusto ka sa babae’, it’s more like, babae yung mahal mo non” paliwanag nito. Nanlaki naman yun