Ilang araw ding binantayan ni Jullianna Marie ang kilos ng magkapatid lalong-lalo na ang kinaiinisang babae. Kahit kailan man ay hindi siya nagtiwala kay Ellysa kahit pa sabihing asset ito ng Papa niya, kahit pa ito ang nakapasok sa buhay ng mag-inang Christina at Michael Carrick. Hindi niya puweding dayain ang sarili niyang instinct. Her instincts never fails her. Asset niya iyon sa lahat ng panahon. "Stop doing that Jullianna Marie dahil mag-aaway lang kayo kapag malaman niya ang ginagawa mo," pananaway nga sa kaniya ng ina pero hindi niya ito sinunod. Bagkus ay nagpatuloy siya. "Lahat ay sinunod ko, lahat ay gagawin ko, Mama. Pero sa bagay na ito ay hindi ko kayo mapagbibigyan. Kailanman ay hindi ako binigo ng instinct ko. Siya at siya lamang ang may maitim na motibo sa aming pamilya.