"Kumusta ang asawa ko, Doc?" agad na tanong ni JM sa doctor na umasikaso sa asawa. Ang asawa niyang kung kailan tapos na ang lahat ay saka pa nawalan ng malay. Sabagay hindi rin naman niya ito masisisi dahil bukod sa parehas silang halos walang tulog para lang sa paghahanap sa nawawala nilang sanggol ay ito pa ang sumalo sa bala na nagmula sa baril ng ina nito na dapat ay para sa kaniya. Sa pinaghalong puyat, pagod, at tama ng baril sa likuran nito ay nawalan ito ng malay-tao. Kaya naman ay itinakbo nila ito sa pagamutan ng Laguna. "He survived the crisis now, Mrs Garcia. You don't have to worry about him now. Anumang oras ay ililipat na siya sa kaniyang ward for his recovery," nakangiting pahayag ng doctor. "Thank you, God. At maraming salamat din po sa iyo, Doc. By the way, can I ask