"Anong ginagawa mo rito, anak? Bakit ka sumunod sa amin?" tanong ni Christina. "Ayaw n'yo ba iyon, Mommy? Dito na tayo lahat upang hindi na ako maghihirap sa lupa. Hindi ba't gusto rin n'yo akong ibagsak?" malamlam ang mga matang tanong ni Michael Carrick sa ina. "Hindi mo pa rin ba nakukuha kung bakit naiwan ka sa lupa? Wala ka pa rin bang idea kung bakit hindi ipinahintulot ni AMA na napuruhan kita ng araw na iyon? Anak, ikaw ang pinaiwan ni AMA sa lupa dahil alam niyang ikaw ang magtutuwid sa mga kasalanan namin. Saka ngayon ka pa ba susuko? Ilang pagsubok na ba ang napagtagumpayan mong nilabanan? Bumalik ka na sa mag-ina mo dahil sigurado akong nag-aalala na siya sa iyo." Naupo ito sa tabi niya saka isinandig ang ulo niya sa balikat nito. Sa unang pagkakataon sa loob ng ilang taon a